Sharon nagbabala sa publiko laban sa mga scammer na gumagamit sa pangalan at litrato niya: ‘Huwag bibilhin at baka magkasakit lang po kayo’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Sharon Cuneta
BINALAAN ni Megastar Sharon Cuneta ang publiko hinggil sa mga sindikato sa social media na ilegal na gumagamit sa kanyang pangalan at mga litrato para makapanloko.
Umalma na ang actress-singer at TV host sa mga naglalabasang pekeng advertisements ng iba’t ibang produkto sa internet kung saan nakabalandra nga ang kanyang mukha at pangalan.
Ni-repost ni Ate Shawie ang isang Facebook post na nanghihikayat na inumin ang produktong ginagamit daw ni Sharon na pampapayat na pwede ring gamot sa diabetes.
Sa nasabing pekeng advertisement, ginamit din ang mag-asawang doktor na sina Doc Willie Ong at Liza Ong na siyang nasa FB profile ng naturang online syndicate.
“FAKE NEWS! Someone on Facebook has been using me and other people in their ads.
“Di ko po ginamit ang produktong ito EVER! Huwag bibilhin at baka magkasakit lang po kayo!” ang warning ng Megastar sa kanyang mga fans at social media followers.
Hindi ito ang unang beses na nagamit ang wifey ni former Sen. Kiko Pangilinan sa mga ganitong uri ng modus sa socmed, marami na kaming nakitang post sa FB na nagpo-post ng ibinebenta nilang produkto kung saan nakabalandra ang mukha ni Mega.
Narito ang ilang comments ng IG followers ni Sharon matapos mabasa ang babala ng aktres.
“Gagaling magedit hayst mga tao nga naman.”
“Oh my. Same with Kris Aquino.”
“Halata naman na edited dahil hahahahaha kawawa naman itong gumagawa o magtitinda ng drinks na Hindi naman Pala mabinta at nakakahiya sa may ari.”
“We’ll report this, Ate Shawie. Keep safe po.”
“Nakakagigil mga gumagawa ng fake news mama!!”
“Sobrang dami po nila, we tried to report them pero madami paring gumawa.”
“Tsk! Tsk! Few months ago po Ma @reallysharoncuneta may nagpapanggap po na ikaw. Hayyys!”
“Ang dami pong gumagawa ng ganyan mga fake news para pagkakitaan..nang sscam sila mama.”
“@reallysharoncuneta watermark all your photos kasi maraming ganyan ngayon, they will grab photos then use it without u knowing.. sana mahuli na yang culprit!”
“Omg!!! sobrang daming artista ang nagpopromote nyan sa fb…muntik na nga ako mabudol… thank you po ma’am Sharon.”