Michelle Dee sa ipinaparehang celebrity friends: I have nothing against it, go lang ng go!

Michelle Dee sa ipinaparehang celebrity friends: I have nothing against it, go lang ng go!

PHOTO: Instagram/@michelledee

KASABAY ng Pride Month ngayong Hunyo ay naglantad nga ang reigning Miss Universe Philippines na si Michelle Dee sa kanyang pagiging bisexual.

At dahil din diyan ay nagsulputan ang ilang panunukso sa social media na kung saan ay itinatambal siya sa ilan niyang celebrity friends, katulad nina Rhian Ramos at Kylie Padilla.

Ayon kay Michelle, wala namang masama rito hangga’t nakakapagpasaya sila ng maraming tao.

“If anything, we have nothing but appreciation and love for the LGBT community,” sey ng beauty queen sa kanyang latest YouTube vlog habang ipinapakita ang isang behind-the-scene photoshoot.

Patuloy niya, “We acknowledge that they’re such a big part of our story, a big part of our audience. They support us no matter what we do. So for me I always see things with a grateful heart.”

Baka Bet Mo: Michelle Dee inamin na ‘open secret’ ang pagiging bisexual, aprub kay Melanie Marquez: She never made me feel there’s something wrong

Dagadag pa niya, “And I’m being linked with so many beautiful women, people I look up to, notable names in the industry.”

“So I have nothing wrong to say and if anything, I think it’s nice that people acknowledge that we have such great chemistry,” saad ni Michelle.

Paliwanag pa niya, “I mean, they are friends that I’ve had for years on end. And if we have supporters that really love seeing us together and that’s how we see it and we like fostering it and you know, I always tell my fans and supporters to always spread love, be kind.”

Aniya pa, “I have nothing against it. Go lang ng go. Just don’t make me choose.”

Una nang inamin ni Michelle na hindi siya nahirapang maglantad patungkol sa kanyang sexual identity dahil all-out support naman ang mga mahal niya sa buhay, lalo na ang kanyang ina na dating beauty queen na si Melanie Marquez.

Ibinunyag din niya na isang “open secret” ang kanyang pagiging LGBTQ member at ito raw ay alam na alam ng mga taong malapit sa kanya at matagal na niyang nakakatrabaho.

Nag-come out ang Kapuso actress at beauty queen sa gitna ng mga naglalabasang kung anu-anong chika tungkol sa kanyang gender, kabilang na nga riyan ang mga litrato niya noong kabataan niya.

Related Chika:

Read more...