Kapatid ni Donny Pangilinan na si Benj certified singer na rin, naglabas ng debut single

Kapatid ni Donny Pangilinan na si Benj certified singer na rin, naglabas ng debut single

PHOTO: Courtesy Sony Music Entertainment

GUMAGAWA ng sariling pangalan sa entertainment industry si Benj Pangilinan, ang kapatid ng aktor na si Donny Pangilinan.

Pero ang kaibahan lamang ay music career ang tinatahak ni Benj!

Kamakailan lang ay proud na inanunsyo ng Sony Music Entertainment na isa sa mga pinakabagong recording artist para sa taong ito si Benj.

Kasabay niyan ay inilabas na rin ang kanyang debut song na pinamagatang “Love, That’s Rare.”

Ayon sa bagong singer, ang kanyang kanta ay tungkol sa mga naging karanasan niya pagdating sa pag-ibig.

“I wrote the song a while back, and to be honest, I’m not entirely sure why,” pagbabahagi ni Benj.

Chika pa niya, “Lyrics and melodies come in like a thief in the night. It’s all about knowing how to catch and record those creative flashes.”

Baka Bet Mo: Elijah Canlas unti-unting tinutupad ang Hollywood dream: ‘I’ve submitted three or four self-taped audition videos abroad’

Naikuwento ni Benj na siya mismo ang nagsulat ng kanta, habang ang nag-produce nito ay ang Grammy-nominated artist na si Xerxes Bakker.

Dahil diyan ay inalala ng bagong singer ang kanyang pakiramdam nang una silang nagkita at nagkatrabaho ng producer.

“There was an immediate click,” sambit ni Benj.

Ani pa niya, “After some conversation, you already knew the visions were aligned.”

“In terms of a production standpoint, it’s all about coming to a mutual understanding of the vision for the song and developing that trust with each other,” saad pa niya.

Para sa mga hindi pa masyadong aware, si Xerxes ay naging song producer rin ng American pop rock band na Imagine Dragons at American rapper na si Snoop Dogg.

Ang “Love, That’s Rare” ay mapapakinggan na sa lahat ng digital music platforms.

Related Chika:

Read more...