Nanay ni Moira ipinagtanggol ang anak, Lolito Go hindi nagpasindak: ‘Kahit umabot po sa demandahan, mapaninindigan ko ang laban na to!’
By: Reggee Bonoan
- 2 years ago
Moira dela Torre at Lolito Go
HINDI na napigilan ng ina ni Moira dela Torre na si Gng. Racquel dela Torre na magkomento sa Facebook page ni Lolito Go, ang dating kaibigan at songwriter na inakusahan ang anak na may ghostwriter sa pagsusulat ng kanyang mga hit song.
Sabi nga kapag namumroblema ang anak ay ang ina ang unang nasasaktan at tagapagtanggol nito na tama naman.
Bungad ni Gng Racquel, “Hi Lolito. Tita Rocky here. Moira’s Mom. This breaks my heart because you know that my daughter WAS JUST BEING NICE.”
Hinamon ng ina ng mang-aawit ang sinasabing resibo ni Go, “Ikaw ang kumukulit sa GHOSTWRITER na ‘yan. I-release mo lahat ng screenshots. I challenge you. Are we sure it’s not edited?”
Sinabi pang nanghihiram ng pera si Lolito Go kay Moira, “Because you have been borrowing MONEY from her. Lagi ka nangungutang sa kanya. And fact remains, MY DAUGHTER never hired a GHOSTWRITER. You are borrowing money, and you are insisting na mag-GHOSTWRITER ka. We have the truth. Maawain lang anak ko.”
“Hindi po insisting. Suggesting. There had been prior talks and I ‘might have’ initiated the idea of ghostwriting. Kasi nga po, hindi nya na ako nababayaran, hindi pa nake-credit. I only suggested that once. Then after a while, s’ya na itong nag-alok. Wala sya idea magkano iaalok sa akin. May tawarang naganap.
“2. Sa issue ng pangungutang.
“It breaks my heart na kelangan ko pa humiram sa kanya. Multiple times. Multiple times ding denied. There was only one instance na na-grant nya. When I was about to pay, she insisted na ‘wag ko na bayaran.
“Tita Raquel, hindi n’ya po ako nabayaran sa song na Pahinga. She used that song sa Braver tour. Pati sa concerts abroad. Malaki kinita ng Patawad Album. Pero wala man lang binigay sa akin kahit ‘yung tinatawag na mechanical royalty. Tapos co-composer na s’ya ng song just by tweaking a few lines.
“Kung gusto n’ya ako mag-shine or kung gusto n’ya ako tulungan, she could have given me proper credits. That it was my music and my lyrics at additional lyrics lang ang kanya. Sobrang dami ko pa po ipo-post na resibo. I gave you a chance sa private message para sana i-hold back ko na. Pero ayaw n’yo po ako sagutin,” sabi ng composer.
At inamin ni Lolito Go na masama ang loob niya kay Moira dahil nang mangailangan siya ng pinansiyal dahil maysakit ang ama niya ay hindi siya pinagbigyan.
“Nu’ng nagmakaawa rin ako sa kanya dahil nakaratay ang tatay ko, kahit piso di sya nagbigay. Hanggang sa namatay ang tatay ko, kahit pisong abuloy wala. Marami raw kasi s’yang gastos. Pero lakas ng loob n’yang tawagin akong friend, kakampi,” paliwanag nito.
At sa usaping idedemanda si Go ng Cornerstone Entertainment ay handa raw siya.
“3. Kahit umabot po sa demandahan, mapaninindigan ko ang laban na to.
“Nu’ng kasagsagan ng campaign, nagpagawa s’ya ng song sa akin for Leni (Robredo). Parang umorder lang ng pansit. She tweaked a few lines ‘tas 50-50 na kami. Akin ang words at music! Sa mga stage binanggit n’ya na it is an original song, pero walang banggit sa akin.
“She posted it twice sa official fan page nya, nakalagay pangalan nya lang. Tinatamad s’ya ilagay name ko? I gave her the benefit of a doubt. Palagi! Pinagtatanggol ko pa yan sa asawa ko. ‘Wag kang jugmental kay Moi!’ (Libertine will speak up soon.).
“When the song was finally uploaded in Spotify, nagulat ako dahil wala pa rin ang name ko. Then she said, ‘OMG KUYA THAT’S NOT WHAT I SUBMITTED.’ Di na bumenta sa akin ‘yun. What is the chance na magkamali s’ya about that?
“May songs nga na isang dosena ang composers pero ilalagay lahat. Eh kami, dadalawa lang makakaligtaan pa. May pattern of lying po ang anak n’yo, sorry.
“At alam kong bilang magulang alam n’yo rin yan. I gave you a chance na manahimik na lang sana ako. I was asking you to call me na lang. Sorry po. Alam ng asawa ko na iniiyakan ko ’yung thought na masasaktan ko kayo ni Tito John. Kasi napakabuti nyo pong mga tao. I swear to God umiiyak ako ngayon,” pahayag pa ni Lolito Go.