MULA sa 40 kandidata, napili na ang Top 11 semi-finalists na maglalaban-laban sa final round ng Binibining Pilipinas 2023 pageant.
Kasalukuyang nagaganap ngayon ang grand coronation night ng Binibining Pilipinas 2023 aa Smart Araneta Coliseum hosted by Catriona Gray, Nicole Cordoves at MJ Lastimosa.
Pasok sa Top 11 sina Miss Dinalupihan, Bataan Lea Macapagal, Miss Laguna Trisha Martinez, Miss Davao del Sur Katrina Johnson, Miss Hermosa, Bataan Marcy Chiles Balana, Miss Bataan Anna Lakrini, Miss Aklan Jessilen Salvador, Miss Cabanatuan, Nueva Ecija Kiaragiel Gregorio, Miss Palawan Angelica Lopez, Miss Gen. Trias, Cavite Atasha Reign Parani, Miss Albay Jeanne Isabelle Bilasano, at Miss Bulacan Loraine Jara.
Ang 10 kandidata na maswerteng nakapasok sa huling laban ay pinili ng mga judges sa pamamagitan ng preliminary competition.
Ang ika-11 namang finalist ay ang nanalong Binibining Bingo Plus 2023.
Kasunod nito ang magiging announcement ng mga mananalong Best in Swimsuit, Best in National Costume, Binibining Friendship, Miss Talent, Face of Binibini at Best in Evening Gown.
Pagkatapos nito, sasalang na ang mga finalists sa pinakahihintay at pinaka-exciting part ng pageant, ang question and answer portion kung saan magkakaalaman na kung sino talaga ang tunay na beauty and brains.
Sino nga kaya ang mananalong Binibining Pilipinas International 2023 at Binibining Pilipinas Globe 2023? Yan ang dapat nating abangan!
Samantala, nasa bansa at kasalukuyang nanonood ngayon si reigning Miss International Jasmin Selberg sa 2023 Binibining Pilipinas Grand Coronation night.
Kokoronahan ni Selberg ang tagapagmana niya sa ika-61 Miss International pageant sa Tokyo, Japan, sa Oktubre, kung saan magiging kinatawan ng Pilipinas si 2022 Bb. Pilipinas Nicole Borromeo na tatangkaing maging ikapitong Pilipinang hihiranging reyna.
True ba, gagawin nang 10 ang pelikulang maglalaban-laban sa MMFF 2022?