Xian Gaza may pangako sa kaarawan ng anak: ‘I’ll support you all the way, I’ll prepare a good life for you’

Xian Gaza may pangako sa kaarawan ng anak: ‘I’ll support you all the way, I'll prepare a good life for you’

PHOTO: Facebook/Xian gaza

NAGING emosyonal ang self-proclaimed Pambansang Marites na Lalaki na si Xian Gaza matapos batiin ang kanyang anak na nagdiriwang ng ika-9th birthday.

Sa Facebook, ibinandera ni Xian ang litrato ng kanyang anak kalakip ang kanyang mensahe.

Ayon sa kanya, titiyakin niyang mabibigay niya ang lahat ng suporta na kailangan ng kanyang panganay na anak.

“Happy 9th birthday, my unico hijo! May all your dreams come true! Rest assured that you have a father that will support you all the way,” panimula ng kanyang FB caption.

Nabanggit pa niya na nais sana niya makasama ang kanyang anak, ngunit mas mainam kung lumaki ito na may kumpletong pamilya.

Baka Bet Mo: Xian Gaza saludo sa pagiging mabuting ama ni Whamos Cruz: Nawa’y tularan kayo ng ibang influencers

Gayunpaman ay pinapangako niya na bibigyan niya ito ng magandang buhay pagtungtong ng kolehiyo.

Sey niya, “As much as I want to take you from your Mom and live with me, my millions can’t give you a complete family.”

“Live with your mother, stepdad, little sister and little brother until 12th grade and I promise to prepare a good life for you after graduation,” dagdag niya.

Sambit pa ni Xian, “I will work very hard for you to become the eldest son of a peso billionaire!”

Aniya, “I love you so much, Anak! Happy birthday!”

Magugunita noong nakaraang buwan lamang ay lubos na pinasalamatan ng social media influencer ang stepdad ng kanyang anak.

Dahil daw dito ay lumalaki ng maayos ang kanyang panganay.

Nabanggit pa ni Xian na bagamat marami raw siyang pera ay hindi nito matutumbasan ang pagiging mabuti at responsableng ama.

Kasabay niyan ay humingi rin siya ng tawad sa ina ng kanyang anak dahil hindi niya ginampanan ang pagiging ama bukod sa mga sustentong naibibigay niya.

Related Chika:

Karla Estrada may pa-throwback sa kaarawan ni Daniel: You deserve all the love in this world!

Read more...