Super Typhoon lalo pang lalakas habang papalapit ng bansa –PAGASA

Super Typhoon lalo pang lalakas habang papalapit ng bansa –PAGASA

PHOTO: Facebook/Dost_pagasa

UNTI-UNTI nang lumalapit sa ating bansa ang Super Typhoon Mawar!

Ayon sa weather bureau PAGASA, nasa labas pa ng Pilipinas ang bagyo kaya wala pa rin itong epekto sa anumang bahagi ng ating bansa.

Huling namataan ang bagyo sa silangan ng Southeastern Luzon, as of May 26, 11 a.m.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 215 kilometers per hour malapit sa gitna at bugsong aabot sa 260 kilometers per hour.

Base sa forecast track ng ahensya ay inaasahang papasok ang bagyo sa ating teritoryo mamayang gabi (May 26) o sa Sabado ng umaga (May 27).

Baka Bet Mo: PAGASA: ‘Ang pagpasok ng bagyo ay posibleng hudyat ng pagsisimula ng panahon ng tag-ulan’

“Halos walang pinagbago ang kanyang track. Posible pa rin itong pumasok ng ating Area of Responsibility mamayang gabi po o bukas ng madaling araw at papangalanan natin itong si ‘Betty’,” sey ng weather specialist na si Ana Clauren sa isang press briefing.

Dagdag pa niya, “Posible pa rin itong lumakas ang bagyo, ngunit pagpasok ng PAR ay posible itong unti-unting mag-weaken.”

“Mapapanitili nito ‘yung Super Typhoon category hanggang Monday ng umaga at pagdating po ng Monday evening hanggang Tuesday, posible po itong humina into a Typhoon category,” patuloy niya.

Ani pa ng weather specialist, “Pero hindi po tayo dapat makampante dahil ang Typhoon category ay malakas pa rin.”

Kagaya ng mga naunang balita, nagbabala ang PAGASA na posibleng tamaan ng bagyo ang Batanes, Babuyan Islands at cagayan Valley.

“Nakikita po natin na posibleng mahagip ng bagyong Mawar ang Batanes, Babuyan Islands, pati na rin ang Mainland Cagayan kaya hindi po natin inaalis ang posibilidad na magtaas tayo ng warning signals sa mga nabanggit na lugar,” sambit ni Clauren.

Kahit wala pang epekto ang bagyo, asahan pa rin ang mga pag-ulan sa Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, SOCCSKSARGEN, at BARMM dahil sa epekto ng tinatawag na “Southwesterly Windflow.”

Gayundin daw ang aasahan sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa.

Read more:

Malisyosong basher sunog na sunog kay Nadine: Of course I’m worried + para kang t*nga!

Read more...