Say ni Dingdong Dantes, ‘audacity wanted’ sa showbiz

Say ni Dingdong Dantes, ‘audacity wanted’ showbiz
NANINIWALA si Kapuso ‘Primetime King’ Dingdong Dantes na kailangang maging mapusok ng mga aktor na katulad niya upang mamayagpag sa industriya, ngunit ipinaalala niyang kailangang batid pa rin ang hangganan, na maging matapang sa pagsuong ngunit manatiling responsable.

“Especially as actors, we always have to take risks. Otherwise, kung parating magiging complacent kami sa ginagawa namin, iyon at iyon ang makikita ninyo as viewers. So as artists we always have to push the limit, be audacious, be bold, be wild in a sense,” sinabi ng actor-host sa Inquirer sa isang panayam sa paglulunsad sa kanya bilang unang Pilipinong ambassador ng global lifestyle brand na Police sa SM Mall of Asia branch ng Ideal Vision sa Pasay City noong Marso 25.

Sinabi ni Dingdong na ipinaalala sa kanya ng bago niyang papel ang halaga ng pagtuklas sa kakayahan ng isang tao. “Kasi isipin mo kung hindi mo i-push ang limit mo hindi mo malalaman na kailangan mo palang gawin iyon. And I think this is what I appreciate about the campaign, It’s the tagline ‘audacity wanted,’” ipinaliwanag niya.

Tinukoy din ng “Family Feud” host ang pahayag ng publicist na si Frank Briones’ nang ipakilala siya sa mga kawani ng midya na dumalo sa paglulunsad: “‘It’s good to be audacious, it’s good to be bold, it’s good to take risks,’ but as long as iyong fundamentals are established. Kasi hindi naman sa lahat ng bagay dapat risktaker ka eh. Like, kung maging risktaker ka man, calculated siya.”

Baka Bet Mo: Dingdong Dantes proud maging ‘honorary member’ ng PMA ‘Sanghaya’ Class 2000

Paulit-ulit niyang iginiit ang pangangailangang magtakda ng hangganan sa pagtahak sa makulay na mundo ng showbiz. “Whatever happens, you have to be responsible for it,” aniya, nagsasalita na bilang isang ama.

Bilang tatay nina Zia at Sixto, ang dalawa nilang anak ni Kapuso “Primetime Queen” Marian Rivera, sinabi ni Dantes na puno ng patuklas ang pagpapalaki sa mga anak. “Parang wala kasing perfect manual for that, pero iyong sarili mong instinct to adapt, kung ano sa tingin mo ang mabuti sa anak mo, ikaw lang ang makakaalam no’n bilang magulang. And I think that’s one of the greatest gifts na pwedeng mabigay sa isang magulang,” ibinahagi ni Dingdong.

Nararanasan din niya ngayon ang isa sa pinakaabala niyang panahon bilang actor-host. “Karamihan doon iyong mga dapat ginawa ko noong [COVID-19] pandemic. Hindi nga tayo active noong time na iyon, kaya ngayon todo-pukpok na. Sana tuloy-tuloy na, especially sa movies, sa pelikula, dahil gusto natin mabuhay muli ang pelikulang Pilipino. Kaya sana sa paparating na movies, both local ang foreign, sana bumalik pa rin ang mga tao sa sinehan,” ibinahagi niya.

Maliban sa daily game show na “Family Feud,” mapapanood na rin si Dingdong sa nalalapit na Kapuso family drama series na “Royal Blood,” at sa GMA Public Affairs film na “Firefly.” Nakita rin siya sa isang promotional material para sa global lifestyle brand kasama ang British race car driver na si Lewis Hamilton na lumabas sa New York. Tutulak din siya sa Japan sa susunod na buwan para sa pagtitipon ng lahat ng mga ambassador ng brand mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Related Chika:
Marian feeling super sexy kapag hinahalikan sa paa ni Dingdong, Boy napa-‘OMG!’; may rebelasyon habang ginagawa ang ‘Marimar’

Marian ibinuking na mas madalas ‘mangalabit’ si Dingdong pag may ‘pangangailangan’; DongYan handa na sa baby No. 3

Read more...