Dolly De Leon sa controversial statement ni Liza Soberano: It’s her truth and we have to respect it

Dolly De Leon sa controversial statement ni Liza Soberano: It's her truth and we have to respect it

Dolly De Leon and Liza Soberano

NAGLABAS ng pahayag ang internatiol award-winning actress na si Dolly de Leon hinggil sa naging pahayag noon ni Liza Soberano hinggil sa kanyang karanasan sa kanyang showbiz career.

Sa kanyang interview kay Julius Babao na mapapanood sa YouTube channel ng huli ay natanong siya kung ano ang opinyon niya ukol sa naging pahayag ng dalaga ukol sa pagkakaroon ng love team.

“You know what, diversity is very important in anything in life, including the film industry. Love teams, for me, are still ok to exist but it depends on the actor. If hindi mo type mag-love team, then don’t attached yourself to a love team but I still think there’s value to it,” sagot ni Dolly.

Dagdag pa niya, hindi siya pabor na mawala ang pagkakaroon ng love team pero nirerespeto niya kung hindi man gusto ng isang artista ang mapaloob sa isang love team dahil kung hindi ito ubra sa iba ay may mga artista pa ring nagki-click sa pagkakaroon ng ka-love team.

Pero sey ni Dolly, kung ano man ang naging pahayag ni Liza ay dapat nating respetuhin.

“Whatever she said, it’s her truth and we have to respect it. We should allow people to voice out whatever… I mean like me, I’ve been voicing out so many things, ‘di ba. So why not give her the space that she deserves to speak her truth.

Baka Bet Mo: Dolly de Leon sa pagsasama nila ni Kathryn Bernardo sa pelikula: Kinikilig ako kasi galing na galing ako sa kanya at napakabuti rin niyang tao

Dagdag pa niya, “And for me, kung marami siyang mga negative feelings or hinanakit… it’s only human for us to talk about that and be honest about our experiences, there’s nothing wrong with that,” pahayag niya.

Bukod pa rito, naniniwala si Dolly na unti-unti na ring natutupad ni Liza ang Hollywood dream dahil na-penetrate na rin nito ang ibang bansa alinsunod sa pagnanais niyang gumawa ng pangalan sa US.

“Actually naka-penetrate na siya sa Hollywood, meron siyang Liza Frankenstein. Malapit na ‘yan. And just the fact na she was able to do Liza Frankenstein, naka-build na siya ng seeds dyan… Baka before you know it, nandiyan na siya,” pagbabahagi niya.

Na-meet at naka-work na rin pala ni Dolly si Liza sa “Bagani” at “Alone Together” pero never silang nakapag-usap nang personal.

Related Chika:
Dolly de Leon sa mga gustong makilala sa Hollywood, tanungin muna ang sarili: ‘Why do you want to be there?’

Dolly De Leon ‘sumama ang loob’ dahil hindi napabilang sa Oscars nomination: Pinaghirapan ko tapos hindi ko nakuha…

Read more...