Andi walang paki sa body shamers, ibinandera ang seksing katawan kahit may stretch marks at hindi pantay na kulay ng balat
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Andi Eigenmann
WAPAKELS ang aktres at celebrity mom na si Andi Eigenmann sa mga laiterang netizens at body shamers sa social media.
Talagang ibinandera ng anak ni Jaclyn Jose ang kanyang fit and sexy body sa kanyang latest Instagram post kung saan makikita ang kanyang mga stretch marks sa tiyan.
Nagbahagi si Andi ng isang short video clip sa kanyang IG page kung saan makikitang nakasuot siya ng two-piece bikini at kitang-kita nga ang kanyang stretch marks pati na ang hindi pantay na kulay ng kanyang balat.
Ang ginawang no-filter “quick changes” reel ni Andi ay para sa promotion ng ilang damit mula sa Sisstrevolution, isang grupo ng mga kababaihang surfer na ang major objective ay ang pangalagaan ang kalinisan ng karagatan sa Siargao.
Matagal ng environment advocate si Andi na ilang taon na rin ngayong naninirahan sa isla ng Siargao sa Surigao del Norte, kasama ang fiancé na si Philmar Alipayo at ang kanilang mga anak.
Sa comments section ng IG post ni Andi, bumuhos ang magaganda at positibong mensahe mula sa mga netizens kabilang na ang mga kaibigan ng aktres sa showbiz, tulad ni Jessy Mendiola.
Bilib na bilib sila sa tapang at paninindigan ng celebrity mom na talagang lumalaban para sa body positivity.
“Love those stretchmarks. thank you for showing that. It reminds Moms like me that it’s normal, it’s okay, it’s natural, and we can wear it proud.”
“Real beauty with a real body. Embracing motherhood is love.”
“Her realness is just so unreal in this times full of pretentions. I sooooo fckng loooove it!!!!”
“This is the perfect Body for a real beautiful woman. Motherhood is.”
“Strong hot momma! Those scars is a reminder that she’s one tough momma.”
“Nice body. I love how raw the video is. Embracing natural mother body.”
“Appreciating mommy bod. sexy uy ka toned kayo girl and nice outfit pa.”
“Ito lang yung Nagpapakita ng flaws na walang bashers but receiving a lot of love from netizens. I love you @andieigengirl.”
“This post is so empowering! Thank you @andieigengirl for showing your battle scars. I’ve always been so insecured to wear (swimsuit) coz of my battle scars, but you posting this makes me feel so brave and a great momma. Keep on inspiring and empowering mommas like us!”