Matt Lozano hugot na hugot sa bagong kanta tungkol sa ‘moving on’, naisulat niya sa loob lang ng 15 minutes
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Matt Lozano
BUKOD sa good reviews na natatanggap ng Kapuso actor na si Matt Lozano bilang si Big Bert sa “Voltes V: Legacy“, bentang-benta rin ngayon ang kanyang latest single.
Hugot na hugot ang mensahe ni Matt sa bago at ikatlo niyang kantang “Liham” na tumatalakay sa pagmu-move on mula sa masakit na past.
Following his first two self-penned singles under GMA Music, “Walang Pipigil” and “Kwarto,” Matt now writes a poignant song about moving on and finding happiness again after a difficult situation.
“May dalawa akong single na ni-release last year and two years ago tapos ngayon may bagong single na naman kaya sobrang happy and excited ako na maiparinig ang bago kong likha. Masasabi ko rin na lahat ng pangarap ko, unti-unti ko na ngayong nakakamit,” pahayag ni Matt.
At knows n’yo ba na napakadali lang naisulat ni Matt ang kanyang newest single, “This is a 15-minute music making. Talagang galing siya sa puso ko. Kung anong lumabas na letra hinayaan ko lang ‘yung sarili ko.
“Sa 15 minutes na pagsusulat na ‘yon kasama na doon ‘yung melody. Actually meron akong ipapasang kanta kay Paulo Agudelo pero after ko masulat ito nang biglaan, pinauna ko ‘to kasi gusto kong i-release itong song na mas dama ‘yung emosyon. Napaka-raw ng kantang ito,” aniya pa.
“Ang dami ngang nagtatanong sa akin as a songwriter kung paano daw ‘yung process ko sa pagsusulat. Iba-iba eh.
“May isang kanta na one year bago ko matapos kasi wala akong nararamdaman na emosyon that time. Siguro mabilis ka talagang makakapagsulat kung meron kang bagahe na bitbit,” paliwanag pa niya.
Ang nais daw niyang maiparating sa mga makikinig ng “Liham”, “Gusto ko medyo friendly sa masa yung tunog natin ngayon para mas maramdaman nila ‘yung emosyon ng kinakanta ko.
“Gusto ko rin maging very OPM ‘yung tunog para maka-relate talaga ‘yung mga tao. Alam naman ng lahat na I’m a John Mayer fan and yung single ko na Kwarto is based sa John Mayer feels na paggawa ng kanta but this time I want it to be very personal,” sabi pa niya.
Matt’s latest single debuted at #4 on iTunes PH’s Top 100 Songs chart after its release on May 19. Available na ang “Liham” sa lahat ng digital streaming platforms worldwide.