Ate Guy tuwang-tuwa sa birthday gift ni Snooky, Herlene Budol umeksena sa party: ‘Isang karangalan ang masampal ng isang Nora Aunor!’

Ate Guy tuwang-tuwa sa birthday gift ni Snooky, Herlene Budol umeksena sa party: 'Isang karangalan ang masampal ng isang Nora Aunor!'

Nora Aunor kasama ang mga anak at apo

NAGING masaya ang celebration ng 70th birthday ng Superstar at National Artist na si Nora Aunor.

Complete ang lahat ng kanyang mga anak na sina Lotlot, Ian, Matet, Kenneth at Kiko.

Nag-effort si Ian na magpakita ng isang audio-visual presentation patungkol sa kanyang dakilang ina.

A,ng daming photos and videos about his mom na kasama ang kanyang anak na si Ian. There are also photos and videos na kasama sina Matet, Lotlot, Kenneth at Kiko.

Sa kanyang speech ay madamdamin ang sinabi ni Lotlot ,“Ma, ang dami na nating pinagdaanan, tayo bilang pamilya. Pero isa lang ang ipinapangako ko sa ‘yo,  mamahalin kita hanggang kailanman. Nandito lang po ako para sa iyo kahit anong oras.”


“Lagi naman kaming nag-uusap ni mommy so lahat nasasabi ko sa kanya. I love you forever, mommy,” say naman ni Matet.

Si Ian, nagbasa ng mahabang poem patungkol sa kanyang ina titled “Mom’s Love”.

Si Kiko halos hindi na makapagsalita dahil ang haba nga ng poem ni Ian, “Ang hirap sundan, ang haba ng speech. Nalimutan ko na sasabihin ko, haba ng sa ‘yo, eh,” say niya.

Si Kenneth na mahiyain pala ay hindi nakapagbigay ng speech dahil nasa comfort room ito.

Ang pumukaw ng atensyon ni Ate Guy ay ang gift ni Snooky Serna na isang lumang photo niya na kuha noong nag-shooting siya ng “Atsay”.

Baka Bet Mo: Lotlot de Leon todo pasalamat sa Noranians, super proud sa pagiging National Artist ni Ate Guy

Matagal na pala itong hinahanap ni Ate Guy kaya naman laking tuwa niya nang makita niya ito muli. Kuha ng premyadong photographer at cinematographer na si Romy Vitug ang nasabing photo.

Sa dami ng bisita ni Ate Guy, pumukaw sa amin ang speech ni Dan Alvaro na tumanaw ng malaking utang na loob sa Superstar.

“Hindi ako makikilala kung wala si Ate Guy kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya. Hindi ako magiging Dan Alvaro kundi dahil sa kanya,” say niya.

Nagkasama ang dalawa sa pelikulang “Condemned”.

Nakatutuwa ang pasasalamat ni Dan kay Ate Guy. ‘Yung ibang leading men kasi ni Ate Guy na sumikat lang dahil dumikit sa pangalan niya ay deadma, as if walang naitulong na malaki ang premyadong aktres. Nakalimutan nilang hindi sila magiging sikat kundi dahil kay Ate Guy.

Ang cute ng kuwento ni Ricky Davao sa first encounter niya kay Ate Guy. Sinama siya ng kanyang yaya sa bahay ni Ate Guy sa Parañaque.

“Would you believe there’s about 5,000 people sa kalye waiting for her to come. She was driving her car. Dumaan lang, nagsigawan ang mga tao then umuwi,” balik-tanaw niya.

Kuwela naman ang speech ni Herlene Budol who came with Sanya Lopez just to greet the veteran actress. Galing sila sa preview of “Unbreak My Heart”  na ginanap sa Trinoma.

“Magpapasampal po ako (kay Ate Guy). Pero ayaw niya. Para sa akin, bilang baguhan, isang karangalan ang masampal ng isang Nora Aunor,” say ni Herlene.

“Kaya po talagang pumunta po ako dito na handang masaktan, ayun po ang hinahanap ko,” dagdag pa niya.

Ang ilan sa namataan naming dumalo sa bonggang party ni Ate Guy ay sina Marissa Delgado, Alfred Vargas, Deborah Sun, veteran dancer-choreographer Geleen Eugenio, Raffy Chan, Beverly Salviejo at Bembol Rocco.

Ate Guy ilang beses nakaligtas kay Kamatayan, maswerte raw dahil malakas kay Lord: ‘May himalaaaa!’

Nora Aunor nagpunta sa tribute para sa mga National Artists kahit may sakit

Read more...