Priscilla naluha sa mensahe para sa anak nila ni John: ‘Mommy will always be here for you, kahit nasa heaven na ako nandito pa rin ako sa tabi mo’

Priscilla naluha sa mensahe para sa anak nila ni John: 'Mommy will always be here for you, kahit nasa heaven na ako nandito pa rin ako sa tabi mo'

Priscille Meirelles, Anechka Estrada at John Estrada

FEELING blessed and thankful ang aktres at dating beauty queen na si Priscilla Meirelles sa pagkakaroon ng anak na tulad ni Anechka Estrada.

Ayon kay Priscilla, bukod sa napakabait nitong bata ay marespeto at magalang din ito sa kanyang mga kapamilya at nakakasaluhang ibang tao.

Naging emosyonal ang wifey ni John Estrada habang nagkukuwento tungkol sa kanilang anak nang maging special guest siya sa live episode ng “Magandang Buhay” last Thursday.

Maluha-luha ang celebrity mom nang mapanood ang video greeting ng anak, “I am so blessed. Anechka is such a beautiful human being. She is beautiful, she is. I am just really so blessed.

“Because kung ibinigay ni Lord ‘yung chance for me to pick, I wouldn’t have picked that well. So she knows thay I’m here 100%.


“And that no matter what I will love her unconditionally always. I just want her to succeed. I want her to be happy. More than anything gusto ko proud siya sa sarili niya,” ang pahayag ni Priscilla.

Pagpapatuloy pa niya, “Kasi ang tendency sa mga bata, ginagawa nila lahat kahit hindi sila masaya para maging proud ang magulang.

“‘Yung personality niya ay people pleaser, alam ko ‘yan kasi ganun din ako. Ang palagi kong turo sa kanya as long as tama ‘yung ginagawa mo, at the end of the day kung saan ka masaya dapat nandiyan ka.

Baka Bet Mo: Priscilla Meirelles sunud-sunod ang cryptic post, may problema nga ba sa asawang si John Estrada?

“Huwag mo na isipin masyado ang gusto ni mommy, kasi at the end of the day ‘yung gusto ni mommy ay masaya ka,” paalala pa niya sa anak.

Dagdag pa niyang pahayag, “Ang message ko sa kanya, I love you unconditionally. Mommy will always be here for you. Even kung nasa heaven na ako nandito pa rin ako sa tabi niya.”

Nitong mga nagdaang linggo, naging laman ng mga headline sa pahayagan at entertainment websites si Priscilla at si John dahil sa pinagdaraanang marital problems.


Kinumpirma ng aktres na may ibang babaeng involved sa buhay ni John pero ipinaglaban pa rin niya ang relasyon nilang mag-asawa. Sa ngayon mukhang maayos na nga ang kanilang pagsasama matapos dumaan sa mga pagsubok.

Mukhang nakabuti talaga ang pananahimik ni John noong kasagsagan ng pagsasalita ni Michelle tungkol sa mga naging problema nila sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

Kahit anong kulit kasi ang ginawa ng ilang miyembro ng entertainment press noong mediacon ng “Batang Quiapo” ay hindi talaga nagsalita ang aktor pero marespeto naman siyang nakiusap na ibalato na lang sa kanya ang mga kaganapan sa kanyang personal life.

Isang patunay na back-to-normal na ang pagsasama nina John at Priscilla ay ang makabagbag-damdaming mensahe ng aktor sa kanyang wifey nitong nagdaang Mother’s Day celebration.

John sa isyu ng pagsasama nila ni Priscilla bilang mag-asawa: ‘Kung meron man akong sasagutin, sa pamilya ko lang ‘yun at sa mga taong mahal ko’

John Estrada ibinandera si Priscilla Meirelles: My one and only queen!

Read more...