Anak ni Mark Leviste ‘mommy’ na ang tawag kay Kris Aquino, seryosohan na nga ang relasyon
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Kris Aquino, Mark Leviste at C2 Leviste
CLOSE na close na rin pala ang anak ni Batangas Vice Governor Mark Leviste na si Conrado Antonio o C2 kay Queen of All Media Kris Aquino.
Trending at hot topic pa rin ngayon ang sa social media ang tungkol sa tunay na estado ng relasyon nina Mark at Kris matapos ngang ibandera ng award-winning TV host-actress ang pagmamahalan nila ni politiko.
Nitong nagdaang Thursday kasi, nag-post si Kris sa Instagram na may konek kay Mark. Sa video clip na ibinahagi niya ay pinasalamatan niya ang dalawa niyang anak na sina Bimby at Joshua, ang kanyang mga doktor na nangangalaga sa kanyang kalusugan, mga kapatid at malalapit na kaibigan.
Kasunod nga nito, nag-thank you rin siya kay Mark Leviste, “I’ve been so unfair in not THANKING you enough for all your effort to be here whenever I need you, for all the times my past has made me so jaded that I keep breaking up with you all because I didn’t believe a long distance relationship stood a chance because of your job obligations, and because I need at least 2 cycles of 9 months each before I can hope to reach remission.”
Kasunod nito, nag-sorry nga si Tetay sa bise-gobernador, “Marc, I’m sorry for punishing you for what others have done to me. You are 100% correct, you’re not them. Contrary to what others may think it’s either you or Bimb taking all the pictures.”
Nagpasalamat din si Kris kay Mark dahil pumayag ito sa request niya na huwag nang ipangalandakan ang kanilang relasyon sa publiko, “Thank you for agreeing to my request to not post & keep our new relationship private. We are proof that LOVE comes when you least expect it.
“Thank you for your 12 years of perseverance. Whatever God decides for us, let’s please end up BEST FRIENDS for the rest of our lives?” aniya pa.
Sa isa pa niyang IG post, ibinalita ni Tetay na humingi ng tulong sa kanya ang anak ni Mark na si C2 na iendorso ang kanyang candidacy sa kanilang school (La Salle Greenhills) bilang Grade 11 batch representative.
Sa nasabing post, nabanggit nga ng TV host na “mommy” na ang tawag sa kanyang ng anak ni Mark, “C2 very politely asked if i could endorse his candidacy to be the LSGH Grade 11 batch rep- unfortunately i woke up w/ a very low BP 85/59… I did take note that his platform included a promise that the ITCHYWORMS would perform at their prom.”
Sabi ni Kris, kinausap niya ang member ng Itchyworms na si Jazz Nicolas para tumulong sa kampanya ni C2 sa kanilang school, “He joked w/ his dad if ‘mommy Kris’ could make him a campaign video, but since M.K. was pale, dizzy, and weak-Jazz was super NICE, straight from a delayed flight from a provincial gig- he took this video.”
“Thanks Jazz. My Thank You will arrive soon, care of the stage father of candidate Conrado Antonio Leviste II, S,” ang ending ng post ni Kris.
Hanggang ngayon ay nananatili pa rin si Kris sa Amerika para sa tuluy-tuloy na medical treatment. Medyo maayos na ang kundisyon ngayon matapos mabigyan ng kaukulan at nararapat na gamot para sa kanyang autoimmune diseases.