Nina super iwas sa socmed para protektahan ang privacy ng asawa’t anak: ‘Para hindi masyadong magulo’

Nina super iwas sa socmed para protektahan ang privacy ng asawa't anak: 'Para hindi masyadong magulo'

Nina kasama ang asawa’t anak

NAGPALIWANAG ang Soul Siren na si Nina kung bakit nagdesisyon ang kanyang pamilya na umiwas at dedmahin muna ang social media.

In fairness, marami pa rin ang nagugulat kapag sinasabi ni Nina sa kanyang mga interview ngayon na meron na siyang asawa at anak.

Sinasabi nga ng ilang nakakakilala kay Nina na nagtagumpay siyang “maitago” nang matagal na panahon sa publiko ang pagkakaroon ng sariling anak.

Sa guesting ng biritering singer sa morning talk show ng ABS-CBN na “Magandang Buhay”, inamin nga niya na meron na rin siyang pamilya na inaalagaan ngayon.


“Ang dami ring hindi nakakaalam na ‘yun nga I’m married, tapos meron na akong daughter. Kahit hanggang ngayon nu’ng nagto-tour ako sa States at sa Canada sabi nila, ‘Ay kasal ka na ba? Ay may anak ka na ba?'” ang bahagi ng pahayag ni Nina.

Ang nag-iisang anak ni Nina na si Ysabela ay seven years old na ngayon.

Esplika ng award-winning singer, talagang iniwasan niyang mag-post sa social media ng anumang bagay tungkol sa kanyang asawa at anak na babae para maprotektanan ang kanilang privacy.

Baka Bet Mo: Albie Casino hindi ‘fan’ ng kasal: I don’t know if marriage is going to work for me

“Kasi para kapag lumabas kami, hindi masyadong pagkaguluhan sila or kunwari sila man lang lumabas on their own, kumbaga kunwari tatawagin ‘yung anak ko, ‘Ysabela,’ magugulat siya. ‘Bakit ako kilala?’

“Parang ganu’n ba, parang magugulat siya kung sino ba talaga kilala niya or hindi,” paliwanag ni Nina kasabay ng pagsasabing pareho nilang gusto ng kanyang mister na huwag nang magpa-active sa social media.

“In-explain ko rin sa husband ko. Siyempre nakikita niya na bakit ‘yung ibang celebrities pino-post ‘yung family ganyan, tapos ako in-explain ko sa kanya na parang gusto ko mas private.


“Para mayroon tayong private mode ganyan. Hindi masyadong magulo,” aniya pa.

Samantala, nagbahagi rin si Nina ng mga naging pagbabago sa buhay niya mula nang mag-asawa siya at maging  magulang.

“Bago ako naging mommy hindi ako marunong magluto ‘yun talaga ‘yun. So ngayon magaling na ako magluto ng itlog. Nakakaluto na rin ako ng pasta, mga tinola so achievement na talaga sa akin ‘yun,” natatawang chika ni Nina.

Pagpapatuloy pa niya, “Bago ako magka-baby, sobrang mahilig ako sa bata to the point na kung ano ‘yung laro nila, lalaruin ko rin.

“So parang na-apply ko ngayon sa anak ko, parang hindi na bago sa akin ‘yung magpakakengkoy kasi noon pa man mahilig na ako sa mga bata,” dugtong pa ng singer.

Joey Reyes nagbigay ng 6 rason kung bakit matumal ang MMFF 2021: Magpakatotoo na tayo!

David Licauco dumami ang batang fans dahil sa ‘Maria Clara at Ibarra’: Kaya hindi na muna pwede yung hubad-hubad’

Read more...