3-Team Trade sa PBA | Bandera

3-Team Trade sa PBA

Barry Pascua - October 15, 2013 - 03:00 AM

MULING makakasama ni Mark Cardona ang kanyang dating La Salle coach matapos na ipamigay siya ng Meralco sa Air21 sa isang three-team trade na nakumpleto kahapon.

Si Cardona ay nasa trading block sa kabuuan ng Governors’ Cup at natuloy ang pagpapamigay sa kanya kasama ni Nonoy Baclao sa isang three-team deal na inaprubahan ni PBA Commissioner Chito Salud.

Nagsimula ang rigodon ng mga manlalaro nang ipamigay ng Talk ‘N Text sa Air21 si Rabeh Al-Hussaini kapalit ni Rob Reyes at ng 2015 second round pick ng Express.

Matapos ito’y ipinamigay ng Air21 sina  Al-Hussaini at Nelbert Omolon sa Meralco kapalit nina Cardona at  Baclao.
Sa huling yugto ng deal ay kinuha ng Talk ‘N Text sina Baclao at Eric Salamat buhat sa Air21 kapalit nina Pamboy Raymundo at Riego Gamalinda.

Sa Air21 ay makakasama muli ni Cardona si coach Franz Pumaren na natuwa sa kanilang reunion dahil sa magkakaroon ng katulong si Niño Canaleta sa scoring department.

Magkakasama ring muli sina Cardona at Paul Asi Taulava na nakuha ng Air21 buhat sa Meralco noong nakaraang buwan.
Patuloy namang pinatangkad ni Meralco coach Paul Ryan Gregorio ang kanyang lineup sa pagkakakuha kay Al-Hussaini na mas mahusay na rebounder kaysa kay Baclao.

Hindi na kinailangan pa ng Meralco ang serbisyo ni Cardona dahil sa nakuha nito ang three-time scoring champion na si Gary David kasama ni AJ Mandani buhat sa Global Port kapalit nina Chris Ross at Chris Timberlake noong nakaraang linggo.

( Photo credit to INS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending