Gabbi Garcia nagpaalam kay Julia nang malamang makakatrabaho si Joshua: I called her in respect

Gabbi Garcia nagpaalam kay Julia nang malamang makakatrabaho si Joshua: I called her in respect

MAY nakakalokang pag-amin ang Kapuso actress na si Gabbi Garcia tungkol sa kanyang pakikipagtrabaho kay Joshua Garcia.

Sa kanyang interview sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes, May 18, tinanong siya kung tumawag ba siya sa kaibigang si Julia Barretto para humingi ng tips sa pakikipagtrabaho kay Joshua.

Pagbabahagi ni Gabbi, agad niyang tinawagan ang kaibigang si Julia matapos niyang malaman na makakatrabaho niya ang dati nitong karelasyon para sa isang teleserye.

“Actually, I called her. When the project was mentioned to me, I called her. I also called her before I left for Europe.

“Not for anything. Siguro values ko lang din as a woman and as her friend. I called her in respect, delicadeza lang for me na, ‘Oh I’m gonna be working with Josh for this project’,” lahad ni Gabbi.

Baka Bet Mo: Jodi, Richard, Gabbi, Joshua sa Switzerland magsu-shooting para sa first GMA-ABS-CBN collab na ‘Unbreak My Heart’

Aniya, natawa pa nga raw sa kanya ang kaibigan nang magpaalam siya at sinabing hindi ba niya kailangang magpaalam.

“Natawa pa nga siya na parang, ‘Oh my God Gabbi you don’t have to call me. Sabi niya sa ‘kin, parang ‘You don’t have to call me, you don’t even have to tell me, just go’,” dagdag niya.

Aware naman ang lahat na si Joshua ay ang dating karelasyon ni Julia na nagsimula mula 2017 at nagtapos noong 2019.

Samantala, katambal naman ni Gabbi ang Kapamilya star sa teleseryeng “Unbreak My Heart”, ang unang collaboration project ng ABS-CBN, GMA-7, at Viu kasama ang iba pang big stars na sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap.

Kamakailan nga ay nag-trending ang trailer video na inilabas nila kung saan marami ang nagulat sa naging “higupan” scene nila ni Joshua at pati na rin sa eksena ng binata kay Jodi.

Pag-amin ni Gabbi, ang kanyang karakter sa “Unbreak My Heart” ang pinaka-mature role na kanyang nagampanan sa kanyang acting career.

Related Chika:
Gabbi Garcia umaming insecure noon sa kanyang itsura: I really had that ugly duckling phase…hindi ba ako maganda for showbiz?

Gabbi Garcia naiyak sa muling pagpirma ng kontrata sa GMA; type sumabak sa LGBTQ project

Read more...