John bawing-bawi kay Priscilla, pak na pak ang Mother’s Day greeting: ‘One of the best, harworking, caring, hands on, loving moms there is in this world’

John bawing-bawi kay Priscilla, pak na pak ang Mother's Day greeting: 'One of the best, harworking, caring, hands on, loving moms there is in this world'

John Estrada at Priscilla Meirelles

FEELING namin, okay na okay na uli ang relasyon ng mag-asawang John Estrada at Priscilla Meirelles matapos dumaan sa pagsubok ang kanilang married life.

Mukhang nakabuti talaga ang pananahimik ni John noong kasagsagan ng pagsasalita ni Michelle tungkol sa mga naging problema nila sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

Kahit anong kulit kasi ang ginawa ng ilang miyembro ng entertainment press noong mediacon ng “Batang Quiapo” ay hindi talaga nagsalita ang aktor pero marespeto naman siyang nakiusap na ibalato na lang sa kanya ang mga kaganapan sa kanyang personal life.


Isang patunay na back-to-normal na ang pagsasama nina John at Priscilla ay ang makabagbag-damdaming mensahe ng aktor sa kanyang wifey nitong nagdaang Mother’s Day celebration.

Muling idinaan ni John sa kanyang Instagram account ang pagbati niya kay Priscilla kalakip ang litrato nila nila together kung saan pareho silang nakatawa at mukhang super happy sa kanilang date night.

Sey ni John sa caption, “Went out with this Mom last night, definitely one of the best, harworking, caring, hands on, loving moms there is in this world (heart emojis).

Baka Bet Mo: Priscilla Meirelles sunud-sunod ang cryptic post, may problema nga ba sa asawang si John Estrada?

“Happy Mothers day love (heart emojis) i love you (kissing emojis). Thank you @lyn_inductivo and @rafaelsrestoph for the wonderful treat (heart emoji),” ang sabi pa ni John gamit ang mga hashtag na “#bestwife” at “#bestmom”.

Matatandaang kinumpirma ni Priscilla nitong nagdaang Marso na may marital problems sila ni John. Diretsahang sinabi ng aktres at dating beauty queen na may third party involved base na rin sa social media post niya tungkol sa babaeng pumapatol sa lalaking may asawa na.

Sabi ni Priscilla sa isang panayam, “I don’t understand why people are saying my posts are cryptic. The way I see it, I was very direct to the point. I have been going through a rough time in my marriage for a while already for many reasons.


“And just like with anyone else, it has been tough. I constantly pray for strength and wisdom and hope for better days ahead but the truth is napuno na ako,” aniya pa.

Sa panayam naman ng ABS-CBN, sinabi ni Priscilla na mas pinili nila ni John na pag-usapan at ayusin ang problema kesa maghiwalay, “If it comes to a point where you have a house and one of the lights is broken, do you change the house or do you fix the light?

“We try to fix the light first. This is basically what’s happening. We are talking. There is no major happening right now. I think the most important part is that we respect each other and we respect each other’s space. All is good,” sabi ng celebrity mom.

May isang anak sina Priscilla at John na 11 years old na ngayon, si Sammanta Anechka Estrada.

John sa isyu ng pagsasama nila ni Priscilla bilang mag-asawa: ‘Kung meron man akong sasagutin, sa pamilya ko lang ‘yun at sa mga taong mahal ko’

Priscilla Meirelles, John Estrada sweet na sweet sa bakasyon, tinapos na ang problema sa pagsasama bilang mag-asawa

Read more...