Iza sa babaeng magiging dyowa ni Jake: ‘Yung mamahalin siya nang buong-buo kasi buong-buo rin siyang magmahal’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Chie Filomeno, Jake Cuenca at Iza Calzado
OBVIOUS na obvious ang pagkakilig ng award-winning actor na si Jake Cuenca kapag natatanong tungkol sa sexy actress-model na si Chie Filomeno.
Hindi naitago ng binata ang kanyang nararamdamang kilig nang usisain sa kanya sa morning talk show na “Magandang Buhay” kung nililigawan na ba niya ang Kapamilya star.
Sa episode ng programa last Friday, May 12, sinorpresa niya ang kanyang kaibigang si Iza Calzado na binigyan ng espesyal na panayam para sa selebrasyon ng Mother’s Day.
Inamin ni Jake na totoong ina-admire o hinahangaan niya si Chie pero hindi pa rin niya inamin nang diretsahan on national television kung magdyowa na sila o nasa courting stage pa lang.
“Ano ba? I am admiring her. ‘Yun na lang ‘yun… actually sinabi na ng mukha ko lahat,” ang nakangiting chika ng aktor.
Nag-react naman si Iza ng, “Kita ko ‘yung kilig sa mata niya as a friend.”
Ayon kay Iza, isang babaeng totoong mamahalin siya kung sino at ano siya ang gusto niyang maging girlfriend ni Jake.
“Basta ‘yung mamahalin siya nang buong-buo. Kasi buong-buo rin magbigay ng pagmamahal ito. At siyempre kailangan talaga magkaintindihan kayo.
“Because alam natin ito hindi madali ang relationship lalo na kapag papunta na sa marriage. A lot of understanding, patience and it’s not always going to be a bed of roses.
“So somebody who will be with you through thick and thin talaga. That’s my wish for you,” ang pahayag pa ng aktres.
Reaksyon naman ni Jake, “That’s also what I want. Like sabi ko nga for me I’m not looking for a perfect. I am looking for something that’s mine. ‘
“Something you can call yours and something you can call – home,” aniya pa.
Kamakailan, nag-post si Jake ng super “hot” photo nila ni Chie sa Instagram na kuha sa kanilang Metro Body 2023. Ito’y bago pa maganap ang pinag-usapang “Hot Summer LaHot Sexy” ng Star Magic.
Aniya sa caption (na hango sa lyrics ng isang kanta), “If you never shoot you’ll never know.”
Sa naunang panayam kay Jake, sinabi rin niyang, “I’m admiring her (Chie). I guess I can say that. She knew that I admire her.
“We’ve known each other for a while and we are enjoying each other’s company,” sabi pa ng premyadong aktor.