Bitoy dedma pa rin sa mga patutsada ni Rendon Labador; pinatunayang may ‘forever’ sa 25 years na pagsasama nila ni misis
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Carol Bunagan at Michael V
HANGGANG ngayon ay hindi pa rin sumasagot ang Kapuso TV host-comedian na si Michael V sa pambabatikos sa kanya ng motivational speaker na si Rendon Labador.
Nananatiling tahimik si Bitoy sa mga maaanghang at matatalim na salitang ibinato sa kanya ng kontrobersyal na social media personality, partikular na ang pagtawag sa kanya nito ng laos.
Nag-ugat ang isyu sa pagitan nina Bitoy at Rendon nang mag-post ang comedy genius sa kanyang Facebook at Instagram account ng, “The first thing any ‘content creator’ should understand is the meaning of the word: ‘CONTENT.’”
Hirit namang sagot ni Rendon sa post ni Bitoy, “Masakit na katotohanan na laos na kayo. WE CONTROL THE MEDIA NOW.
“INFLUENCERS are the new celebrities! Kung hindi ninyo kayang makipagpatalinuhan sa mga INFLUENCERS sa pag-produce ng content.. manahimik na lang kayo. MAINSTREAM IS DEAD!!! Social media is the NEW MAINSTREAM,” ang matapang na bwelta ni Rendon kay Michael V.
Marami nang nagtanggol sa Kapuso comedian kabilang na ang mga kasamahan niya sa entertainment industry pero habang isinusulat namin ang balitang ito ay wala pa siyang inilalabas na official statement.
Posibleng ayaw na niyang patulan ang mga patutsada ni Rendon para hindi na humaba ang isyu o pwede ring humahanap lamang ng tamang timing si Bitoy para sagutin ang lahat ng maaanghang na salitang pinakawalan nito.
Samantala, si Michael V at ang asawa nitong si Carol Bunagan ang napiling celebrity ambassador ng gaganaping “#MayForever Bridal Fair 2023” organized by The Wedding Library.
Magaganap ito sa May 19, 20 at 21 sa Megatrade Hall, SM Megamall.
Pak na pak ang mag-asawa sa naturang bridal fair dahil nga kaka-celebrate lang nila ng kanilang 25th wedding anniversary.
Michael V and Carol Bunagan flew to Penang, Malaysia and had an intimate destination renewal of vows ceremony to celebrate their 25 years of being together as a married couple.
Doon ginanap ang kanilang renewal of vows kung saan pinatunayan nila sa buong mundo that with love & laughter, #MayForever!
In partnership with Malaysia Airlines, Tourism Malaysia & Penang Tourism, the couple was toured around the extraordinary island of Penang, Malaysia, the perfect location to highlight the
extraordinary love between Michael V and Carol.
From pre-production, to the shoot, to exploring Georgetown, the Habitat and walking along the beach of Mercure Penang Hotel, one could easily tell that after 25 years together, the couple know the ingredients to a long lasting relationship: honesty, laughter and love.
February 1998 nang maganap ang kanilang church wedding at pagsapit ng 2008, ginanap ang kanilang unang renewal of vows in celebration of their church wedding’s 10th anniversary.
Noong 2019, muling nag-renew ng kanilang martial vows ang mag-asawa in time for the 25th anniversary of their civil wedding ceremony at nito ngang nagdaang February, 2023 ay muli silang nagpakasal.
Sa isang panayam noong 2019, nabanggit ni Bitoy ang isa sa mga sikreto ng masayang pagsasama nila ng kanyang misis.
“Dapat meron kayong couple goals. Iba ‘yung individual goals, iba rin ‘yung couple goals. Yung couple goals dapat hindi mawala, dapat nga madagdagan pa,” aniya.
“Ang couple goals pwedeng madagdagan,.pero hindi dapat nababawasan. Ituring niyo na ring anak ninyo ‘yung couple goals niyo. Dapat mahalin niyo ‘yung relationship niyo kagaya ng pagmamahal niyo sa anak niyo,” dagdag pang pahayag ni Bitoy.