Jason Statham, Wu Jing kakasa sa bagong action film ng ‘The Meg’

Jason Statham, Wu Jing kakasa sa bagong action film ng ‘The Meg’

PHOTO: Courtesy Warner Bros. Pictures

MAKALIPAS ang limang taon, magkakaroon ng bagong kabanata ang 2018 hit action film na “The Meg.”

Pinamagatan itong “Meg 2: The Trench” na pinagbibidahan ng Hollywood action stars na sina Jason Statham at Wu Jing.

Makikita sa inilabas na trailer ng pelikula ang maaksyong mga eksena habang kinakalaban ng dalawang bida ang isang napakalaking pating na kung tawagin ay “Meg.”

Mapapanood na isang team ng researchers ang nagtungo sa pinakamalalim na parte ng karagatan, ngunit nagkaroon ng aberya ang kanilang misyon dahil bigla silang inatake ng nasabing pating.

Dahil sa nangyari, ang tanging isinaalang-alang na nila ay ang kanilang kaligtasan na hindi makain ng delikadong predator.

Baka Bet Mo: Gamer na naging ‘instant’ race car driver inspirasyon sa bagong pelikula

Nagpahayag naman ng excitement ang maraming fans at moviegoers nang mapanood ang pasilip ng pelikula.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:

“Amazing trailer! [sparkling emoji] Jason Statham is back for the main course in this action packed and bloody sequel…”

“My son loves the first movie. If he asks to watch this with the fam, we goin. It was very fun actually.”

“Can’t wait to see it! I’ve already seen the first one about a dozen times [laughing emoji].”

Bukod kina Jason at Wu, ilan pa sa mga tampok sa action film ay sina Sophia Cai, Page Kennedy, Sergio Peris-Mencheta, Skyler Samuels at Cliff Curtis.

Ang “Meg 2: The Trench” ay mapapanood sa mga lokal na sinehan sa darating na August 2.

Related Chika:

Meg Imperial kalmadong sinagot ang netizen na nanlait sa kanya: And your point dear?

Read more...