Ex-EXO member Kris Wu arestado sa kasong rape | Bandera

Ex-EXO member Kris Wu arestado sa kasong rape

Therese Arceo |August 18,2021
facebook
share this

Ex-EXO member Kris Wu arestado sa kasong rape

Therese Arceo - August 18, 2021 - 07:44 PM


ARESTADO ang Chinese-Canadian pop star na si Kris Wu sa China dahil sa kasong rape noong Agosto 17.

Noong July 31, dinetain ang singer ng kapulisan dahil sa sexual assault allegations laban sa kanya. Itinanggi naman ito ng singer at ayon rin sa kaniyang agency, ang mga akusasyon ay pawang “malicious rumors” lamang.

Noong nakaraang buwan, isang babae na nagtatago sa Weibo handle na “Du Meizhu” ang naglabas ng saloobin ukol sa pananamantala sa kanya noong siya’y lasing sa mismong pamamahay ng singer-actor.

Amin pa nito, 17 lang siya nang nangyari ang pananamantala. Dagdag pa niya marami ring kababaihan ang lumapit sa kanya na naging biktima ng singer. Dalawa nga rito ay mga minor de edad pa,

Lunes, August 16, nang maaprubahan ang pag-aresto sa Kris Wu dahil sa kasong rape. Bukod rito, wala nang ibang inilabas na detalye ukol sa charges sa singer.

Parte si Kris Wu ng sikat na K-pop boy band group na EXO ngunit umalis rin taong 2014. Lumabas rin ito sa sa sci-fi film na “XXX: Return of Xander Cage”.

Matapos ang insidente, marami sa mga big brands ang nag-cut ties sa singer tulad ng Porsche, Louis Vuitton, at Bvlgari.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending