Maxene Magalona may paalala sa mga mahilig ‘magwalwal’: Partying to mask the pain is NEVER a good idea…

Maxene Magalona may paalala sa mga mahilig ‘magwalwal’: Partying to mask the pain is NEVER a good idea…

PHOTO: Instagram/@maxenemagalona

BASE sa naging karanasan ng Kapamilya actress na si Maxene Magalona, nagbigay siya ng payo para sa mga taong mahilig uminom o mag-party na may dinadamdam.

Ayon kay Maxene, okay lang namang mag-enjoy pero dapat siguraduhing nasa magandang kondisyon bago uminom ng alak.

“Fridays are for enjoying the weekend, yes. But please make sure that you are in a good state before pouring yourself a glass of wine or taking that shot of tequila,” caption niya sa kanyang Instagram post.

Paalala pa niya, “Please don’t unconsciously drown yourself in alcohol because you are trying to numb some kind of pain or discomfort.”

Sabi pa niya, kung ikaw ay nakakaramdam ng lungkot o nasasaktan ay mas mainam nang iiyak ito o isigaw para matanggal ang masamang enerhiya.

“Do yourself a favor and make sure to feel your feelings and not just drink them away. Cry it out if you need to. Scream into a pillow. Feel and release negative energy instead of running away and distracting yourself with pleasure,” sey niya.

Baka Bet Mo: Maxene Magalona huli sa akto, may ‘ka-HHWW’ habang namamasyal sa mall, natagpuan na nga kaya si Mr. Right?

Inamin ni Maxene na napagdaanan na niya ang ganitong mga karanasan kaya alam niya kung ano ang pakiramdam.

Chika niya, “I know this because I’ve been there and believe me—it’s a waste of time and energy [grinning face with sweat emoji].”

“I used to drink to get wasted so that I wouldn’t have to feel my pain which was why my alcohol intake was limitless,” kwento pa niya.

Proud pang ibinahagi ng aktres na nagawa na niyang maghilom kaya masasabi na niyang deserve na niyang uminom upang ipagdiwang ang kanyang buhay.

“Now that I have been doing the inner work to heal, I can consciously drink to celebrate life because I know that I deserve a few glasses of wine every once in a while [partying face emoji],” lahad niya.

Ani pa niya, “Take it from the old Maxx: Partying to mask the pain is NEVER a good idea. Do the work to heal and you will be able to drink mindfully [folded hands].”

Related Chika:

Jericho nagpumilit maging dishwasher sa isang bar: Kasalanan n’yo, e…malakas kayong uminom

Read more...