Kapuso star Michelle Dee waging Miss Universe Philippines 2023

Kapuso star Michelle Dee waging Miss Universe Philippines 2023; Miss Zambales at Miss Pampanga itinanghal na 1st at 2nd runner-up

Michelle Dee

KINORONAHANG 2023 Miss Universe Philippines si Michelle Dee mula sa Makati sa pagtatapos ng bonggang pageant sa Mall of Asia Arena sa Pasay City ngayong Mayo 13, at napanood sa buong mundo sa pamamagitan ng iba’t ibang digital platforms.

Dinaig niya ang 37 iba pang kalahok upang masungkit ang titulo mula kay Celeste Cortesi na nagwagi noong isang taon. Siya na ang magiging kinatawan ng Pilipinas para sa 2023 Miss Universe pageant na itatanghal sa El Salvador ngayong taon.

Anak si Dee ni 1979 Miss International Melanie Marquez, at kinoronahang Miss World Philippines noong 2019. Noong isang taon, nagtapos siya bilang Miss Universe Philippines-Tourism sa pambansang patimpalak. Sa preliminary competition kamakailan, tinanggap niya ang mga titulong Miss Aqua Boracay, Miss Pond’s, at Miss Zion Philippines.


Dalawang dilag pa ang bumuo sa hanay ng mga nagwagi, sina first runner-up Christine Opiaza mula sa Zambales at second runner-up Angelique Manto mula sa Pampanga.

Tinipon ng national pageant ang bigating mga bisita na nagdagdag ng ningning sa gabi. Dumalo sina reigning Miss Universe R’Bonney Gabriel, ang unang Filipino-American mula sa Estados Unidos na nakasungkit sa pandaigdigang titulo, at 2019 winner Zozibini Tunzi mula South Africa.

Baka Bet Mo: Michelle Dee tanggap ang pagkatalo kay Celeste Cortesi; hindi pa rin isusuko ang pangarap na Miss Universe crown?

Umawit din ang Filipino-American singer at “American Idol” runner-up na si Jessica Sanchez, habang eksklusibo naman para sa live audience ang naging pagtatanghal ni Nam Woo-Hyun mula sa K-Pop group na Infinite.

Nag-host naman ang mga Kapusong sina Alden Richards at Xian Lim, habang nagbigay ng backstage updates sina 2021 Miss Globe Maureen Montagne at Tim Yap.


Ito ang ikaapat na pagtatanghal ng hiwalay na pambansang patimpalak na pumipili sa kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe pageant. Una itong isinagawa noong 2020, kung saan kinoronahan si Rabiya Mateo mula Iloilo City na nagtapos sa Top 21 ng pandaigdigang patimpalak. Sumunod sa kanya si Beatrice Luigi Gomez na nagbalik sa bansa sa Top 5 ng contest.

Bitbit ngayon ng bagong reyna ang tungkuling mapanumbalik ang lakas ng Pilipinas sa Miss Universe pageant, makaraang maputol noong isang taon ang 12-taong sunod-sunod na pagpuwesto ng bansa.

Tatangkain din niyang maging ikalimang Pilipinang makapag-uuwi ng korona, kasunod nina Gloria Diaz (1969), Margie Moran (1973), Pia Wurtzbach (2015), at Catriona Gray (2018).

Michelle Dee humakot ng special awards sa preliminary competition ng Miss Universe PH 2022

Mga kandidata mula sa Cebu City, Bulacan, San Juan, Iloilo at Roxas City pasok sa Top 20 ng Miss World PH 2022

Read more...