Pageant fans shookt sa nakakalokang nangyari sa Miss Universe PH 2023, mula sa Top 10 finalist binalik uli sa Top 18…anyare?

Pageant fans shookt sa nakakalokang nangyari sa Miss Universe PH 2023, mula sa Top 10 finalist binalik uli sa Top 18...anyare?

Michelle Dee wagi sa Evening Gown competition

NA-SHOCK ang mga pageant fans at ang mga nanonood ng Miss Universe Philippines 2023 grand coronation night na ginaganap ngayon sa Mall of Asia Arena.

Pagkatapos kasing i-announce ang Top 10 finalists na maglalaban-laban sana sa final round ng nasabing national pageant ay muling ibinalik ang 18 kandidata para rumampa sa Evening Gown competition.

Rumampa ang 18 kandidata suot ang kanilang evening gown sa pangunguna nina Jannarie Zarzoso, Agusan del Norte; Pauline Amelinckx, Bohol; Angelique Manto, Pampanga; Airissh Ramos, Eastern Samar; Michelle Marquez Dee, Makati; Clare Dacanay, Paranaque; Afia Adorable Yeboah, Tiaong, Quezon; Rein Hillary Carrascal, Sorsogon; Iman Franchesca Cristal, Mandaluyong; Jan Marie Bordon, Bacolod; Emmanuelle Vera, Cebu Province; Christine Salcedo, Marinduque; Christine Opiaza, Zambales; Samantha Panlilio, Cavite; Klyza Ferrando Castro, Davao Oriental;  Krishnah Marie Gravidez, Baguio; Kimberlyn Acob, Isabela; at Princess Anne Marcos, Bulacan.


Ang nagwagi sa Best In Evening Gown competition ay si Miss Makati na si Michelle Dee na posibleng makapasok na sa Top 5 candidates ng competition.

Dahil nga sa technical issues sa pag-tally ng Top 10 kanina, ibinalita ng host na si Xian na ibinalik sa Top 18 ang mga finalist kung saan kukunin ang Top 5.

“To everyone watching here tonight and to eeryone watching at home via online streaming we have an announcement to make.
“This is gonna make tonight a little interesting. Due to technical issues, we’ve resulted to manual tallying, which means, our Top 18 candidates will go through the evening gown and compete for the Top 5,” paliwanag pa ng aktor.

Muling magpapatalbugan ang limang  finalists sa last round ng Miss Universe Philippines 2023. Sila ang maglalaban-laban para sa pinakaaasam na titulo at korona.

Baka Bet Mo: Kris: Pinahanga mo ako Pacman, lumuha ako sa interview mo…no need to apologize

Sasabak ang limang kandidata sa question and answer portion ng pageant. As usual, ito na ang pinakaaabangan ng lahat dahil dito na nga masusubok ang bilis ng isip at ang kanilang galing sa pagsagot.

Isa ito sa pagkukunan ng puntos ng mga judges para malaman kung sino sa Top 5 finalists ang karapat-dapat na pumalit sa trono ni Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi.

Ito ang ikaapat na pagtatanghal ng hiwalay na pambansang patimpalak na pumipili sa kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe pageant.


Una itong isinagawa noong 2020, kung saan kinoronahan si Rabiya Mateo mula Iloilo City na nagtapos sa Top 21 ng pandaigdigang patimpalak.

Sumunod sa kanya si Beatrice Luigi Gomez na nagbalik sa bansa sa Top 5 ng contest.

Bitbit ngayon ng bagong reyna ang tungkuling mapanumbalik ang lakas ng Pilipinas sa Miss Universe pageant, makaraang maputol noong isang taon ang 12-taong sunod-sunod na pagpuwesto ng bansa.

Tatangkain din niyang maging ikalimang Pilipinang makapag-uuwi ng korona, kasunod nina Gloria Diaz (1969), Margie Moran (1973), Pia Wurtzbach (2015), at Catriona Gray (2018).

Celeste Cortesi pak na pak ang pagrampa sa swimsuit at evening gown round ng Miss Universe 2022 preliminary competition

Mga kandidata mula sa Cebu City, Bulacan, San Juan, Iloilo at Roxas City pasok sa Top 20 ng Miss World PH 2022

Read more...