Michelle Dee, Pauline Amelinckx, Jannarie Zarzoso, Angelique Manto, Airissh Ramos pasok sa Top 18 ng Miss Universe PH 2023
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Miss Makati, Miss Pampanga at Miss Bohol
PASOK sa Top 18 finalists ang mga early favorites ng pageant fans sa ginaganap ngayong Miss Universe Philippines 2023 grand coronation night sa Mall of Asia Arena.
Kabilang sa mga kandidatang magpapatuloy sa next round ng naturang national pageant sina Jannarie Zarzoso, Agusan del Norte; Pauline Amelinckx, Bohol; Angelique Manto, Pampanga; Airissh Ramos, Eastern Samar; Michelle Marquez Dee, Makati; Clare Dacanay, Paranaque; Afia Adorable Yeboah, Tiaong, Quezon.
Ka-join din sa Top 18 sina Rein Hillary Carrascal, Sorsogon; Iman Franchesca Cristal, Mandaluyong; Jan Marie Bordon, Bacolod; Emmanuelle Vera, Cebu Province; Christine Salcedo, Marinduque; Christine Opiaza, Zambales; Samantha Panlilio, Cavite; Klyza Ferrando Castro, Davao Oriental;Krishnah Marie Gravidez, Baguio; Kimberlyn Acob, Isabela; at Princess Anne Marcos, Bulacan.
Maglalaban-laban ang 18 semifinalists sa mga susunod na challenges kung saan kukunin ang Top 10 na aabante naman sa huling round ng pageant.
Ang ilan sa mga semifinalists na rarampa pa more on stage at mabibigyan ng chance na makasungkit sa titulo at korona ay ang mga nanalo sa Photoshoot Challenge, Swimsuit Challenge, Jojo Bragais Runway Challenge, Smilee Casting Challenge (fan votes). Ang iba naman ay ang mga napili sa preliminary competition.
Ito ang ikaapat na pagtatanghal ng hiwalay na pambansang patimpalak na pumipili sa kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe pageant.
Una itong isinagawa noong 2020, kung saan kinoronahan si Rabiya Mateo mula Iloilo City na nagtapos sa Top 21 ng pandaigdigang patimpalak.
Sumunod sa kanya si Beatrice Luigi Gomez na nagbalik sa bansa sa Top 5 ng contest.
Bitbit ngayon ng bagong reyna ang tungkuling mapanumbalik ang lakas ng Pilipinas sa Miss Universe pageant, makaraang maputol noong isang taon ang 12-taong sunod-sunod na pagpuwesto ng bansa.
Tatangkain din niyang maging ikalimang Pilipinang makapag-uuwi ng korona, kasunod nina Gloria Diaz (1969), Margie Moran (1973), Pia Wurtzbach (2015), at Catriona Gray (2018).