Angelica ‘mission accomplished’ sa sorpresa kay Gregg: Panalo ako this month! Bawi ka sa June!

Angelica ‘mission accomplished’ sa sorpresa kay Gregg: Panalo ako this month! Bawi ka sa June!

PHOTO: Screengrab from Instagram/@iamangelicap

EFFORT kung effort ang aktres na si Angelica Panganiban para mapasaya ang kanyang partner na si Gregg Homan.

Sa kanyang latest Instagram post, mapapanood ang isang video na kung saan ay pinuntahan pa ni Angelica si Gregg upang sorpresahan sa kanilang 34th monthsary.

Ayon pa kay Angge, mukhang nanalo siya sa pa-contest nila nang batiin at abutan ng cake ang kanyang fiance.

“Went for a drive to surprise gregg for our 34 months of being together [winking face with tongue emoji],” chika ng aktres.

Paliwanag niya, “Before having bean, ganito na kami palagi. It’s a contest kung sino una makakaalala ng 11th of the month.”

“I think panalo ako this month [partying face emoji] love you honn [heart hands emoji] bawi ka sa june!,” sey pa niya sa kanyang partner.

Baka Bet Mo: Angelica Panganiban may paalala sa kapwa mommies: ‘Wag kalimutan ang sarili

Dahil sa ginawa ni Angge, maraming netizens ang kinilig sa kanila at narito ang ilan sa mga komento na aming nabasa:

“Ang sweet naman! Meant to be talaga kayo [red heart emojis].”

“Happy monthsary! Sobrang cutie!”

“Keep the spirit, small things do make a difference [red heart emoji] keep loving. Happy Monthsary!”

Matatandaang noong January 2021 nang isinapubliko nina Angelica at Greg ang kanilang relasyon.

Noong Mach 2022 naman nang inanunsyo ni Angelica na siya’y buntis at ipinanganak niya ang first baby nila ni Greg noong nakaraang Setyembre.

Related Chika:

Hirit ni Vice Ganda sa pagkatalo ni Celeste Cortesi sa Miss Universe 2022: ‘Bawi tayo sa replay mamayang gabi! Hayuffff!’

Read more...