Kuya Kim, Joross, Kakai kumampi kay Michael V sa isyu ng content creator: ‘Amen brother! It’s not about views, it’s about value’

TODO-TANGGOL ang mga kilalang celebrities kay Michael V na binasag-basag ng motivational speaker na si Rendon Labador sa social media.

Hindi lang mga ordinaryong netizens ang bumanat kay Rendon kundi pati na rin ang mga sikat na personalidad matapos ngang tawagin ni Rendon na “laos” si Bitoy at iba pang mainstream artists.

Kabilang sa nga nagtanggol sa Kapuso comedy genius ang TV host at Kapuso trivia master na si Kim Atienza at ang aktor na si Joross Gamboa.

Nag-ugat ito sa ipinost ni Bitoy sa kanyang Facebook at Instagram post hinggil sa mga content creator. Sabi ng komedyante, “The first thing any ‘content creator’ should understand is the meaning of the word: ‘CONTENT.’”

Sumang-ayon naman ang mga socmed followers ni Michael V sa kanyang sinabi, kabilang na riyan ang kanyang kasamahan sa showbiz industry.

Komento ni Kuya Kim, “Amen brother. it’s not about views. It’s about value.”

“Parang ‘Influencer’. They treat and proclaim themselves as influencers but they don’t know the real meaning behind. They should know the difference of being ‘Famous’ and ‘Infamous,’” sabi naman ng isang netizen.

Baka Bet Mo: Tuesday todo-tanggol kay Bitoy matapos tawaging laos ni Rendon Labador: ‘Hindi ko masikmura na binastos ang iginagalang kong artista’

“Should not be just for the likes and views… should be something informative that everyone can learn,” hirit ng isa pa.

Pero hindi nga ito nagustuhan ni Rendon at nag-post sa kanyang FB ng, “Masakit na katotohanan na laos na kayo. WE CONTROL THE MEDIA NOW.”

Hirit pa niya, “INFLUENCERS are the new celebrities! Kung hindi ninyo kayang makipagpatalinuhan sa mga INFLUENCERS sa pag-produce ng content.. manahimik na lang kayo. MAINSTREAM IS DEAD!!! Social media is the NEW MAINSTREAM.”

Banat ni Joross, “Kuya Michael V. daming tinamaan… yung isa nga sa mukha eh. but seriously speaking… kapul talaga… deh eto totoo na umiiyak na siya. anyways… Quality > Quantity, Purpose & Responsibility.”

“Wag masyadong mataas ang lipad kapatid. Sa industryang ito, hindi na din nagma-matter ang KASIKATAN, and pinakaGoal ay kung sino ang MAGTATAGAL,” komento ni Kakai Bautista.

“Absolutely,” ang pagsang-ayon naman ng celebrity doctor na si Dr. Kilimanguru.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang reaksyon sina Rendon at Bitoy. Bukas ang BANDERA sa kanilang paliwanag.

Related Chika: 

Sam, Lovi, Anne pwedeng-pwede sa Pinoy version ng hit K-drama na ‘It’s Okay To Not Be Okay’

Read more...