Thai billionaire sa mga nangnenega sa mga bagong rules ng Miss Universe PH: ‘I don’t care, social inclusion must be here now’

Thai billionaire sa mga nangnenega sa mga bagong rules sa Miss Universe PH: 'I don't care, social inclusion must be here now'

Boy Abunda at Anne Jakrajutatip

WALANG paki ang Thai billionaire na si Anne Jakrajutatip sa mga pangnenega at pang-ookray ng mga netizens sa bagong rules na kanilang ipinatutupad sa Miss Universe pageant.

Isa na nga rito ang pagpapasali sa mga nanay ay wife sa naturang international pageant na tinawag pa niyang “No. 1 Beauty Olympics in the world.”

Natanong ni Boy Abunda sa kanyang programang “Fast Talk” ng GMA 7 ang bilyonaryang negosyante at founder and CEO ng JKN Global Group Public Limited, na siyang may-ari ng Miss Universe, kung ano ang reaksyon niya sa mga taong hindi pabor sa mga pagbabago sa pageant.


“I don’t care. Social inclusion must be here now. We allow them to come in. We respect them. We give them the equal chance, the opportunity because we would love to honor every woman,” pahayag pa ni Anne.

Baka Bet Mo: Bagong may-ari ng Miss Universe binanatan ng bashers, ‘nakikipagkumpetensiya’ raw sa mga kandidata

“We love every woman. We have them in the competition. It doesn’t mean they’re going to win, depends on the judges,” sey pa niya.

“When we elevate the brand to the next level, to the new paradigm, everyone just keep listening.

“I’m a transwoman therefore, I just come up with the concept of transformational leadership. It has to be the change, positive change,” katwiran pa ni Anne.


Dagdag pa niyang paliwanag, “Transform yourself to be the best version of yourself. It’s not about being trans women alone but trans women, when I connect the dot, I know the origin.

“My life purpose here is to live, to teach, and to inspire people to transform themselves.

“I ask myself why I was born in the wrong body all the time and my life purpose here when I grew up, I knew straight away when I became the business owner,” lahad pa ni Anne.

Nasa Pilipinas ngayon si Anne para dumalo sa gaganaping coronation night ng Miss Universe Philippines 2023 na gaganapin sa darating na Sabado sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Thai billionaire Anne Jakrajutatip nag-sorry kay Catriona Gray: ‘I love you, my dear from the bottom of my heart’

Bela Padilla may number 1 rule sa pagdidirek, ano kaya ito?

Read more...