Thai billionaire Anne Jakrajutatip nag-sorry kay Catriona Gray: ‘I love you, my dear from the bottom of my heart’

Thai billionaire Anne Jakrajutatip nag-sorry kay Catriona Gray: 'I love you, my dear from the bottom of my heart'

Catriona Gray, Boy Abunda at Anne Jakrajutatip

HUMINGI ng paumanhin ang Thai billionaire at may-ari ng Miss Universe franchise na si Anne Jakrajutatip kay Catriona Gray.

Ito ang inamin ni Anne sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” kahapon, May 10, nang mapag-usapan nga ang tungkol sa naging issue sa kanila noon ng girlfriend ni Sam Milby.

Sa mga hindi pa masyadong aware sa kuwento, taong 2019 nang kumalat ang tsismis na may relasyon umano si Anne sa ex-boyfriend ni Catriona na si Clint Bondad.


Ngunit mariin itong dinenay ng bilyonaryang negosyante at sinabing parang “little brother” lang niya ang binata at walang malisya ang kanilang closeness.

Baka Bet Mo: Enjoyment ng manonood mahalaga sa bagong may-ari ng Miss Universe pageant

Sa interview sa kanya ni Tito Boy, natanong kung ano ang pinag-usapan nila ni Catriona Gray sa viral video kung saan nakita silang nag-uusap sa isang Miss Universe event sa Bangkok, Thailand last year.

Sabi ni Anne, yun daw ang unang pagkakataon na nagkita sila nang personal ni Catriona at talagang sinamantala raw niya ang pagkakataon na makausap ang dalaga tungkol sa kanilang past issue.


“I just want it to get it out of my chest. Right now, clear, off the air.

“I told her, ‘I do apologize for whatever happened in the past, but I’m so glad you’re here in Thailand. Welcome to the family of JKN and Miss Universe Organization.’

“‘I love you, my dear, from the bottom of my heart,” ang natatandaang sinabi raw niya kay Catriona.

Dagdag pa niyang chika, “I just need to do it. From now on, we have to work together, so just put the past away and don’t talk or mention it again.”

Sabi pa niya kay Tito Boy, si Catriona daw ang kanyang favorite beauty queen.

Dumating sa bansa ang controversial Thai billionaire nitong Lunes para dumalo sa Miss Universe Philippines 2023 coronation night sa Sabado na magaganap sa SM Mall of Asia Arena.

Ryan Bang tuloy ang sustento sa inang Koreana kahit may pandemya; 3 Thai actor sanib-pwersa

Bagong may-ari ng Miss Universe binanatan ng bashers, ‘nakikipagkumpetensiya’ raw sa mga kandidata

Read more...