Wish nina Vickie Rushton at Jason Abalos last Christmas natupad agad, magiging mommy at daddy na

Wish nina Vickie Rushton at Jason Abalos last Christmas natupad agad, magiging mommy at daddy na

Vickie Rushton at Jason Abalos

TATAY na si Jason Abalos! Yan ang kinumpirma kahapon ng kanyang asawang si Vickie Rushton.

Ibinahagi ni Vickie sa kanyang Instagram account ang good news kalakip ang maikling video clip kung saan makikita ang kanyang pagpapa-ultrasound.

“The first time we saw you,” ang maikling caption na inilagay ng beauty queen sa kanyang IG Reel.

Sinundan pa niya ito ng Bible verse mula sa 1 Samuel 1:27 na nagsasabing, “For this child we have prayed and the Lord has granted the desires of our hearts.”


Sa thumbnail ng ipinost niyang IG  Reel, ipinakita naman ni Vickiea ang positive pregnancy test kasabay ng pagsasabi na isang “our answered prayer” ang pagdating ng kanilang baby.

Nagkomento naman si Jason sa post ng kanyang misis ng red heart emojis.

Bukod sa mga netizens, ilang celebrities din ang nag-congratulate sa mag-asawa sa pagdating ng kanilang “angel” at very soon ay magiging parents na nga sila.

Baka Bet Mo: Wish nina Jason Abalos at Vickie Rushton sa 2023: ‘Yung pinakamalupit na blessing na lang ni Lord ang hinihintay namin!’

“Waaaaah congrats ate vimskie!” pagbati ni Loisa Qndalio.

“Omg! Congratulations!” ang comment ni Jessy Mendiola.

“Awww! Congratssss guys!” mensahe naman ni Melissa Ricks.

“Happy birthday and congratulations sa inyo!” sey ni Hero Angeles.

“Ahwww! naiyak ako sa tuwa!!! Every child is a gift from God! Congrats @thejasonabalos @vimrushton!” ang mensahe ni Marissa Sanchez sa celebrity couple.


Narito ang ilan pang pagbati ng IG followers ni Vickie.

“Awww happiest birthday, Vim! What a great gift from God! Congratulations @thejasonabalos & @vimrushton.”

“Congrats, my miss International now will become a mama na..So excited to see the baby soon.”

Ikinasal sina Jason at Vickie noong September, 2022 sa Tagaytay. Nitong nagdaang Pasko lamang ay nabanggit ng mag-asawa na gusto na nila sanang magkaanak ngayong 2023 na agad namang ipinagkaloob sa kanila.

“Last year’s Christmas post na gamit ‘yung picture namin sa marriage banns vs. ngayon Mr. and Mrs na. Ang daming nangyari na dapat ipagpasalamat sa taas.

“‘Yung pinakamalupit na blessing na lang ni Lord ang hinihintay namin. Baka next year may cute na nakasingit na sa gitna,” aniya pa.

Vickie Rushton iniyakan ang pagtatapos ng pageant journey, laglag dahil sa edad

Read more...