BANGUNGOT ang nangyari sa kasalan ng isang couple dahil sa kinuha nilang catering service na hindi umano sumunod sa kanilang mga napagkasunduan.
Matinding lungkot, stress at galit ang naramdaman ni “Ruffa Duman” at ng kanyang asawa sa nangyaring kapalpakan sa kanilang kasalan na 11 years nilang pinangarap.
Sa kanyang Facebook account, inilahad ng bride ang nakakalokang nangyari sa kanilang wedding, “Hindi ko akalain na ‘yung mga napapanood, nakikita, at nababasa ko sa TV at social media tungkol sa magulong setup ng wedding ay mararanasan namin.
Hindi umano sinunod ng catering service ang napag-usapan nila dahil parang tinipid daw ang lahat ng ginawa sa venue ng kanilang reception.
“11 taon kaming naghintay ng araw na’ to kaya nung nag-propose sa akin si Alvin last November, hindi na ako tumigil kakahanap at kaka-search ng gusto naming motif at style. Pinaghandaan namin ang aming kasal ng halos limang buwan dahil alam naming deserve namin nang maayos at magandang wedding.
“Pero anong ginawa nyo? Sinira nyo ang araw na supposedly ay pinakamasaya para sa aming dalawa at aming pamilya pero naging pinakamalungkot pa.
“May 3 palang pina set-up nyo na ang pitong tent na gagamitin at inakala namin na sisimulan nyo na ang pag-aayos ng araw na iyon dahil alam natin pare-pareho na matiltil ang rustic design na napagkasunduan natin,” paglalahad ng bride.
“Pero anong nangyari? Dumaan ang maghapon ng May 4, wala kayong ginalaw sa venue. Ni hindi ka rin nagpunta kasi sabi mo inaayos mo pa ang mga gamit na dadalhin at gagamitin mo.
“May 5 ng umaga tinawagan kita na pumunta na kayo sa amin para magsimula na pero sabi mo 4pm kayo pupunta dahil mainit pa at sanay kayong gumawa ng ganong setup kahit hapon na ang simula.
“Super stress na ang lahat sa bahay namin dahil hapon na pero wala pang kahit anong design sa venue. Bakit? Dahil nung hapon ding iyon kayo pabalik-balik sa paghahakot ng mga gagamitin nyo na supposedly ahead of time nyo pa ginawa!
Baka Bet Mo: Regine, Robi napag-tripan ang larawan ni Vice Ganda sa ABS-CBN hallway: Hindi n’yo masyadong mapagtanto kung…
“Tapos, nalaman ko pang nilayasan nyo ang venue para kumain sa labas kahit alam nyong may nakahain na at pinapakain na kayo ng mga tao?” ang sentimyento pa ni Ruffa.
Patuloy pa niya, “Tawag ako nang tawag at chat nang chat sa’yo pero hindi ka man lang nasagot kahit online ka. 8PM na kayo bumalik at nung mga oras ding iyon mo pinapanday sa mga kapatid ko at pinsan ng asawa ko ang mga dapat sanay nagawa na nang maaga. Saan ka nakatala ng ganong catering service? Kami pa ang pinagpanday mo ng mga pandesign mo?”
“Pero pinili kong i-compose ang sarili ko dahil alam kong pag nagalit ako o kami ng asawa ko sayo ay baka lalo mo kaming iwan sa ere. Isa pa, pinili kong hindi magalit para hindi ako ma-stress kahit gusto ko nang mag-breakdown ng mga oras na yun.”
“11pm na ng May 5 ng iniwan namin ang venue ng WALANG KAAYUSAN. 11pm dahil sabi ko sa kanila, ayaw kong pumunta sa Lourdes at iwan ang venue ng wala man lang simula dahil baka umalis ka na naman. 11 pm kahit alam kong kinabukasan ay kailangang gumising nang maaga para make-up-an. Sinong bride ang gustong magpuyat at hindi agad magpahinga para sa wedding day nya? Wala, diba?”
“Sa totoo lang hindi na ako nakatulog kaiisip at kakadasal na sana maging ayos ang lahat. Na sana magawa nyo ang napag-usapan nating design at style base sa ibinayad namin sa inyo kahit super late na kayo nagsimula. Pero hindi. Umaga palang kahapon habang inaayusan ako, puro problema at stress na ang binigay nyo sa akin,” patuloy pa niya.
“Ultimong bouquet ko na parang pangwalis sa laki at parang pampatay ang ayos ay problema. Pati ang sa mga bridesmaids at flower girls ko, BINASTA mo na nalang inarrange at tinusok-tusok na parang bata ang gumawa kaya INULIT nila kasi nahihiya silang dalhin sa SOBRANG PANGET. Yung bouquet na gusto ko hindi mo sinunod kaya NAGPAGAWA at NAGBAYAD KAMI NG PANIBAGO sa iba ng oras ding iyon!”
“Ang wedding wands na matagal ko ng ibinigay ang materials at perang pambili, HINDI MO RIN GINAWA! Yung perang pambili ng pagkain para sa grazing table, na SINABI MONG NANAKAW sayo ng araw na yun, binayaran ng mga bridesmaids ko dahil naiyak ako ng mga oras na iyon sa sobrang stress sayo! Pero ikaw, wala ka man lang sinabing anything just to calm me, my groom, our parents sa palpak mong trabaho. Ikaw pa ang MAS MATAPANG at MAS GALIT sa amin!”
“Muntik pang i-pull out ng pinaghiraman nyo ang mga gamit na ginamit mo sa venue dahil sinabi mong wala kang pambayad kahit fully paid na kami sa iyo! Sinong matutuwa sa pakana mo? Yung flower ng bridal car namin, PLASTIC lang na nabibili lang kung saan! Pati ayos ng church halatang binasta mo lang.”
“Pagdating namin ng venue, mas lalo akong nalungkot nung nakita kong basta nalang ang mga tela sa dingding at ceiling. Hindi maayos at kulang-kulang ang upuan at higit sa lahat TINIPID nyo ang pagkain samantalang wala kaming inutos sa inyo na higpitan ang pagbibigay ng pagkain sa mga tao lalo na sa mga sponsors mamin!”
“Pinagdamutan nyo pa ang ilan sa bridesmaids ko ng pagkain samantalang marami kaming handa para sa kanila! Napanis lang ang ibang handa dahil TINIPID nyo ang bigay sa kanila! Yung neon lights na pinaggastusan namin nang malaki, hindi mo man lang pinailaw dahil WALA KANG EXTENSION o KAHIT ANO MAN LANG OUTLET para umilaw ito.”
“Yung FRESH LUMPIA na PINAGHATIAN NG BRIDESMAIDS KO, NAPANIS LANG DAHIL HINDI MO HINAIN!!! Tapos, ang kakapal ng muka nyong doon pa kayo magsigawan at mag-away ng ibang suppliers dahil sa pagiging INCOMPETENT MO??! Hindi mo matanggap na ANG LAKI NG PAGKUKULANG MO KAHIT BAYAD NA KAMI LAHAT SAYO!”
“Yung soup na halos 1k mahigit ang bili, HINDI NYO PINALUTO O NILUTO kahit napag-usapan na natin ang setup ng pagkain mula starters hanggang DESSERTS. Sobrang sakit lang na nagtiwala ako sa’yo dahil naging maayos naman ang unang transaction natin noon pero bakit kung kelan mismong wedding day ko pa ikaw NAGLOKO sa amin.
“Nagkaroon pa tayo ng meeting kasama ang ibang suppliers at bukod pa ang usapan natin pa-chat, call at personal. Para saan pa ang mga iyon??? Sana alam mong ikaw ang may malaking pagkukulang dito dahil kada HINGI MO NG PERA PAMBILI/PANG-HIRE NG GAMIT KUNO SA WEDDING AY WALANG ALINLANGANG NAGBIBIGAY KAMI dahil WALA KAMING IBANG REQUEST SAYO KUNDI MAGING MAAYOS ANG LAHAT! Yun lang ang KAISA-ISANG REQUEST NAMIN SAYO!”
“ISA KANG MALAKING SCAMMER! SANA WALA NG IBANG TAONG MAGTIWALA SA’YO!!!” ang galit na galit na pagayag pa ng bride.
Cristy Fermin rumesbak kay Kylie: Wag kang turo nang turo baka mamatanda ka!