Pokwang pinagkumpara ang itsura noon sa awra ngayon: ‘Ako, nang matauhan at mahalin naman ang sarili…tah kaa! BOOM!’

Pokwang pinagkumpara ang itsura noon sa awra ngayon: 'Ako ngayon nang matauhan at mahalin naman ang sarili tah kaa! BOOM!'

Pokwang

MAY simple ngunit talaga namang kumakagat na patutsada ang Kapuso TV host-comedienne na si Pokwang tungkol sa isang taong naging bahagi noon ng kanyang buhay.

Wala mang binanggit na pangalan si Pokie, naniniwala ang kanyang mga social media followers na ang dati niyang live-in partner na si Lee O’Brian ang kanyang tinutukoy.

Nag-share kasi ang komedyana ng dalawa niyang litrato sa Instagram na magkaibang-magkaiba ang datingan ng kanyang itsura.

Sa first photo, makikita si Pokwang na walang make-up at walang kaayus-ayos ang itsura pero may bitbit siyang isang  napakasarap na putahe.


Sa second photo naman ay todo-awra ang itsura ni Pokie na ibang-iba sa nauna niyang litrato na ang dilim-dilim pa ng background.

Ang nakalagay sa caption ng kanyang IG post ay, “Ako noong halos walang oras para sa sarili maalagaan at mapakain ka lang. Hahahahahaha.

Baka Bet Mo: Gabbi Garcia umaming insecure noon sa kanyang itsura: I really had that ugly duckling phase…hindi ba ako maganda for showbiz?

“Ako ngayon nang matauhan at mahalin naman ang sarili tah kaa!!!! BOOM!!!!” ang sabi pa niya sa kanyang IG post.

In fairness, maraming nagkomento sa dalawang magkaibang litrato ni Pokwang at halos lahat ay nag-congratulate sa kanya dahil napagtagumpayan niya ang naranasang matinding heartbreak mula sa huli niyang karelasyon.


“Iba p din kapag may nagmamahal. Nan jan naman mga anak mo hugot k nlng ng lakas. Mahirap mapunta sa maling tao.. yung tipong ikaw lang ang nagmamahal tas yung isa nanggagamit lang!”

“Ang sarap mo talaga maging mother kasi ang galing mo sa lahat Tama ka diyan itspokwang27, sobra kang magmahal ibinigay ang lahat, inalagaan mo sobra sobra , almost wala ng natira sa sarili at least bago naubos natauhan, joke lang. Sobrang bait mo kasi.”

“Everything has a reason.Malia ay kailangang ipanganak kaya Ng meet kayo moreover narealized mo na mas kailangan mo mahalin Ang sarili muna.Great job Ms. Pokwang.”

“Kaya mo han mommy Pokwang..may mga tao talaga d marunong mag pahalaga or di alam ano ang halaga nang isang tao dahil ang alam lng nila ay manggamit o self gain.”

“Pls don’t take it the wrong way po Miss Pokie pero iba po yung sigla ng mata mo sa first pic.. You look genuinely happy. Eyes can’t lie.”

“Ay mga tao talagang dadating lang at aalis din. Nasa huli ang pagsisisi hindi man nya makita ngayon ang kawalan mo mamang. Para ho saakin KAPE ka? 3 In 1 nasayo napo ang lahat ng katangian. Sadyang bulag lang di nila nakikita. Love you mamang.”

Sanya Lopez self-love ang payo sa mga kababaihan: Irespeto at mas mahalin natin ang ating sarili

Ysabel Ortega sa panliligaw ni Miguel Tanfelix: ‘Kailangan mahalin niya rin ‘yung nanay at tatay ko…at inaalagaan naman niya ako’

Read more...