OK lang kay Bossing Vic kung hindi na mabayaran ng TAPE ang P30-M utang sa kanya: ‘Hindi lahat nadadaan sa pera’

OK lang kay Bossing Vic kung hindi na mabayaran ng TAPE ang P30-M utang sa kanya: 'Hindi lahat nadadaan sa pera'

Vic Sotto, Pauleen Luna at Tali Sotto

HANGGANG ngayon ay hot topic pa rin sa social media, pati na rin sa umpukan ng mga Marites all over the universe ang umano’y milyun-milyong utang ng Television and Production Exponents Incorporated (TAPE, Inc.) kina Vic Sotto at Joey de Leon.

Mismong si dating Sen. Tito Sotto ang nagbuking na may tig-P30 million daw na dapat bayaran ang producer ng kanilang noontime show na “Eat Bulaga” kina Bossing Vic at Joey

Kasabay nito, nag-suggest si Tito Sen sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na busisiin ang nasabing issue para magkaliwanagan na malaman kung ano ba talaga ang nangyari kung bakit umabot sa ganu’ng halaga ang pagkakautang ng TAPE sa dalawang veteran TV host-comedian.


Ngunit ayon sa asawa ni Pauleen Luna, wala naman siyang balak na magsampa ng kaukulang kaso laban sa TAPE sa kabila ng mga kinakaharap nilang problema at kontrobersya sa “Eat Bulaga.”

“Wala, hindi ako gan’un. Kung mababayaran ako, eh ‘di well and good. Kung hindi naman, eh ‘di, ayos lang,” ang pahayag ni Bossing sa isang panayam.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz binantaan na ang asawa ng basketball player na hindi pa nagbabayad ng utang

Sa tanong kung hindi na siya talaga bayaran ng kanilang producer sa P30 million na utang sa kanya, sagot ni Vic, “Bakit hindi? Kung hindi naman kayang bayaran, eh ‘di okay lang.”

Kasunod nito ay may nagkomento namang reporter na, “Wow, ang yaman mo na talaga, Bossing!” Na sinagot ni Bossing ng, “Hindi naman! Hindi lahat nadadaan sa pera.”


“Sa akin, mas importante prinsipyo kesa sa materyal na bagay,” aniya pa.

Nilinaw naman ng veteran comedian na nakikipag-usap naman sa kanya ang nga taga-TAPE tungkol sa milyones na utang sa kanya, “Yes, nag-uusap naman.”

Matatandaang naglabas ng saloobin si Tito Sen tungkol sa kinakaharap na problema ng “Eat Bulaga” kabilang na nga ang P30 million utang ng TAPE kina Vic at Joey.

“Sabi nila wala raw utang ang TAPE kay Vic at kay Joey. Hindi totoo ‘yun. Malaki ang utang… sa suweldo nila ‘yun at sa mga dapat nilang tanggapin. If I’m not mistaken at least P30 million each ang kakulangan,” ang sabi ng dating senador sa isang panayam.

“Ang nirereklamo ni Vic sa amin is tinatanggalan siya ng VAT pero hindi niya natatanggap ‘yung supposed na sahod,” rebelasyon pa niya.

‘Eat Bulaga’ sa GMA 7 pa rin mapapanood; ‘Tito, Vic & Joey’ 50 years na ngayong 2022

Tito Sotto hindi iiwan si Mr. T, nakikipagdiskusyon pa nga ba sa bagong chairman ng TAPE Inc. para sa ‘Eat Bulaga’?

Read more...