SINAGOT na ng Kapamilya actor na si Coco Martin ang mga isyu patungkol sa diumano’y pagkalugi ng mga Quiapo vendors dahil sa pagte-taping sa lugar ng “FPJ’s Batang Quiapo”.
Sa nagdaang mediacon na ginanap kahapon, May 4, naglabas na ng kanyang saloobin ang actor-director.
Lahad ni Coco, “Alam naman natin dito sa industriya natin, di ba? Yung iba nga, sa bawat pinupuntahan na lugar — kahit naman tayo, pag pumupunta tayo ng abroad, di ba — uy, dito daw nagsyuting yung ano!
“Pupunta tayo sa isang restaurant. Pupunta tayo dun sa isang park or whatever kung saan ma yung location, which is ganun din ang nangyayari sa Pilipinas.”
Chika pa ni Coco, maraming mga lugar ang nagiging instant tourist attraction dahil may isang pelikula o teleserye na kinunan sa lugar ba iyon.
“Ganun din ang nangyayari sa Batang Quiapo. Pero hindi natin maiaalis kasi ngayon na because of the social media, na napakadaling gumawa ngayon ng opinyon ng isang bagay na kaya mong pagandahin o sirain.
“Nagkataon lang na siguro may mga taong hindi naman lahat papabor para sa amin o pabor para sa Batang Quiapo,” saad ni Coco.
“Siguro nung sinabi niya yun, hindi ko alam kung ano man yung talagang intensiyon. Pero ang masasabi ko lang po, yung totoong mga tao dun na nakakasalamuha namin, masaya sila!” pagbabahagi ng aktor.
Baka Bet Mo: Bakit nga ba pumili ng mga social media influencers si Coco Martin na maging parte ng ‘Batang Quiapo’?
Bagamat walang binanggit na pangalan ay aware naman ang madlang pipol kung sino ang pinatutungkulan ng aktor.
Aware naman ang lahat na nag-viral noon ang pagsita ng motivational speaker na si Rendon Labador kay Coco matapos makabasa ng post sa social media na humihina raw ang kita niya bilang Quiapo vendor sa tuwing nandoon ang produksyon ng Kapamilya teleserye.
Ilang linggo ring naging laman ng mga balita ang mga patutsada ng motovational speaker sa programa lalong lalo na sa Kapamilya actor ngunit sa huli ay pinili na lang nitong huwag pansinin ang mga pagpapatutsada nito.
Pagpapatuloy ni Coco, “Kasi, unang-una, yung every day na nakikita nila kami, sa amin pa lang, sa mga talent, actors, sa mga crew…. buhay na yung lugar, e, di ba? Pag kumakain, pag naggaganun.
“And then, yun nga, nagiging tourist attraction siya sa mga tao, dahil kasi siyempre gusto nila minsan makita, matiyempuhan na nagsyusyuting.”
Mayroon rin daw mga taong gustong makita kung saang lugar nila kinukuhanan ang mga eksena sa teleserye kaya naman ang mga ganitong klaseng isyu ay hindi na lang pinapansin ni Coco maging ng iba pang kasali sa TV series.
Giit pa niya, “Kasi, pag alam mo naman na hindi totoo, huwag mo nang pag-ukulan pa ng lakas o panahon.”
Related Chika:
Ending ng Summer MMFF entry ni Coco Martin na ‘Apag’ shocking; Brillante Mendoza ibinuking si Aljur Abrenica
Smugglaz, Bassilyo kinampihan si Coco Martin, binanatan si Rendon Labador