Kuya Kim ibinandera ang 35 dogs, karamihan mga rescued na aspin: The joy they give makes everything worth it!

Kuya Kim ibinandera ang 35 dogs, karamihan mga rescued na aspin: The joy they give makes everything worth it!

PHOTO: Instagram/@kuyakim_atienza

BUKOD sa mga exotic animal, may mga inaalagaan ding “rescued” pets ang TV host na si Kim Atienza o mas kilala bilang Kuya Kim.

Sa katunayan nga, may alaga siyang 35 na aso!

‘Yan ay ibinandera mismo ni Kuya Kim sa isang Instagram post at ibinahagi pa ang ilang pictures habang pinapakain ang mga ito.

Pagmamalaki pa nga ng TV host, karamihan sa mga aspin ay mga rescued dogs.

“We live with a pack of 35 dogs, most of them rescued aspins,” sa kanyang caption.

Aminado si Kuya Kim na mahirap mag-alaga ng ganyang karaming aso, pero worth it daw ito dahil nagbibigay ito ng ligaya sa kanilang pamilya.

Sey ni Kuya Kim sa kanyang IG post, “People ask us if it’s difficult, a little bit, but the joy they give makes everything worth it!”

Baka Bet Mo: Kuya Kim inokray ng mga fans ni Donnalyn Bartolome, tinawag na papampam: ‘Sawsaw pa more!’

Nagsulputan naman sa comment section ang maraming pet lovers at tuwang-tuwa sa IG post ni Kuya Kim.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“GOD BLESS YOUR FAMILY!! We will always be grateful to you for the chance you gave not just to our rescues but to other aspins [white heart emoji] May our tribe increase!”

“Thank you SO much Fely and Kim for giving your pack of 35 a beautiful and loving home! They are so blessed to have you both!”

“Mabuhay po kayo!! Nakaka-inspire. Pangarap ko ‘yan Kuya Kim! [red heart emoji].”

Magugunita noong nakaraang buwan lamang ay nag-ampon ng dalawang aso si Kuya Kim mula sa Pawssion Project Foundation.

Pinangalanan itong Lolo Raf at Granny.

Caption pa niya sa naturang IG post, “We will love you and care for you till your last breath Lolo Raf and Granny. Welcome to the Atienza home!”

Ilan pa sa mga alagang hayop ng TV host ay ang mahigit 30 na Koi fish, tatlong Macau birds na mula pa sa Amerika, dalawang iguanas, at mga pagong.

Related Chika:

Sharon nag-ampon uli ng Aspin mula sa Olongapo: Mama’s here now…you will become a prince!

Read more...