AMINADO ang award-winning actress na si Eugene Domingo na tinanggap na niya noon ang pagiging single at nagplano pang pumasok sa kumbento.
Sa kanyang panayam sa “Fast Talk With Boy Abunda”, natanong siya ni Tito Boy kung handa ba niyang iwan ang mundo ng show business para sa love.
“Yes. At this point, my goodness, I’m a golden girl. This is the second half of my life,” sagot ni Eugene.
Pagpapatuloy niya, “I have given the first half to always just about me and helping my family. The second part would be for me and Danilo.”
Si Danilo Bottoni ay isang Italian film critic na asawa ni Eugene.
Bagamat walang nabanggit ang award-winning actress patungkol sa detalye kung saan at kailan sila nagpakasal, ikinuwento naman nito kung paano nagsimula ang kanilang love story.
Ani Eugene, nakilala niya si Danilo noong um-attend siya ng Udine Film Festival sa Italy para sa kanyang pelikulang “Barber’s Tales”.
“I was alone. I was exhausted in general, in life,” she said. “I was already surrendering [to] a life of being single or maybe I could enter the convent. ‘Yun na talaga ‘yung iniisip ko.
Baka Bet Mo: Eugene Domingo, Dolly de Leon may bonggang collab sa 2025 na ipo-produce ni Harlene Bautista: ‘We want to do a play’
“All of a sudden, he appeared in front of me and I was scared because baka stalker or something… ‘Yun pala he was a film critic,” saad ng award-winning actress.
Napag-alaman ni Eugene na mahilig pala itong manoong ng Filipino films at napanood na nito ang mga pelikula niya gaya ng “Kimmy Dora” at “Ang Babae Sa Septic Tank”, at “Barber’s Tales”.
Tinanong raw siya ni Danilo kung maaari ba siya nitong i-interview ngunit hindi agad siya pumayag at sinabing kinakailangan muna nitong humingi ng permiso.
Eventually ay natuloy ang interview at tila na-mesmerize si Eugene sa ganda ng mata ni Danilo habang nag-uusap sila.
Noong may naramdaman na nga siya na parang gusto niyang maging kaibigan ang Italian fil critic ay tinawag na ito ng kasamahan at sinabing tapos na ang interview.
Ngunit hindi ito naging dahilan para ma-down si Eugene at sa halip ito ang gumawa ng paraan para magkaroon silang muli ng komunikasyon.
Ginamit niya ang kanyang “abilidad” at hinanap nito ang e-mail ng editor at sumulat siya rito para mag-reach out at mag-thank you kay Danilo.
At doon na nga nagsimula ang pag-iibigan ng dalawa.
Chika pa ni Eugene, “Nung umuwi ako from Italy tapos hindi ko na siya nakita, sabi ko, ‘Yun na ‘yon e. Papalampasin ko pa ba e naramdaman ko na?’ So ayon, ni-pursue ko. Ganoon ‘yun. Pursue pursue rin.”
Related Chika:
Eugene kay Pokwang: ‘You give, give, give and now you fight, you stand up…you will survive!
Eugene Domingo diretsahang tinanong ng veteran actor-director: ‘Ayaw mo bang magpa-nose lift?’