Tyson Venegas mami-miss ang ‘American Idol’ family, bigong makapasok sa Top 8

Tyson Venegas mami-miss ang 'American Idol' family, bigong makapasok sa Top 8

BIGO ang Filipino-Canadian singer na si Tyson Venegas na makapasok sa Top 8 ng “American Idol” at tuluyan nang namaalam noong Martes, April 2.

Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi niya ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga taong naging parte ng kanyang journey sa “American Idol”.

“Thank you so much everyone for all ur luv.  Your support means a lot. My @AmericanIdol journey has come to an end but what an honor it has been,” pagbabahagi ni Tyson.

“Ngl (not gonna lie),I’m gonna miss my new fam,” pagpapatuloy pa niya.

Isang Stevie Wonder classic na “For Once In My Life” ang kinanta ni Tyson na umani naman ng napakagagandang komento mula sa mga judges na sina Katy Perry, Lionel Richie at Luke Bryan at pumasok pa ng Top 10.

Baka Bet Mo: Tyson Venegas pinabilib ang judges ng ‘American Idol’, nasungkit ang platinum ticket

Ngunit hindi na nga siya naka-advance sa susunod na parte ng patimpalak at ang mga nanatili ay sina Iam Tongi, Megan Danielle, Collin Stough, Haven Madison, Oliver Steele, Warren Peay, Wé Ani, at Zachariah Smith.

Nag-comment naman ang nakasama niya na si Wé Ani sa kanyang IG post at sinabing “TYSON!!! My sweet boy you are a force to be reckoned with!!! This is just the start!!!”

“Congratulations still!!! You’re journey has actually just begun!” sey naman ni Jed Madela.

Matatandaang nag-trending si Tyson noong February sa social media dahil sa kanyang naging renditiong ng “New York State of Mind” ni Billy Joel.

Maski ang tatlong judges ay talagang namangha sa kanyang naging performance.

Sa katunayan, siya rin ang kauna-unahang nagkamit ng Platinum ticket para sa season 21 ng “American Idol”.

Related Chika:
Fil-Am pasok sa Top 10 ng American Idol; pinaiyak si Katy Perry

Coco Martin binigyan agad ng trabaho si Whitney Tyson

American Idol winner may mensahe sa ina ni Marlo Mortel na may cancer

Read more...