Aga Muhlach sa kaarawan ng ‘reyna’ ng kanyang buhay: Cheers to more ocean adventures with you!

Aga Muhlach sa kaarawan ng ‘reyna’ ng kanyang buhay: Cheers to more ocean adventures with you!

PHOTO: Instagram/@agamuhlach317

MAY short but sweet message ang batikang aktor na si Aga Muhlach para sa kaarawan ng kanyang misis na dating beauty queen na si Charlene Gonzales.

Sa Instagram, ibinandera ni Aga ang mala-royalty nilang picture kasama pati ang kanilang anak na kambal na sina Atasha at Andres.

Kalakip din niyan ang kanyang pagbati sa misis, “Our Queen, Our Anchor. Happy birthday my love! @itsmecharleneg [red heart emoji] We love you! I love you very much! [emojis].”

Aniya pa, “Cheers to more ocean adventures with you!”

May matamis na reply naman si Charlene sa IG post at sinabing, “My love!! Thank you [heart emoji] love you too [kiss emoji].”

Makikita rin sa nasabing post na bumuhos ang mga pagbati ng ilang kapwa-celebrities.

Kabilang na riyan sina Megastar Sharon Cuneta, aktres na si Ara Mina, aktor na si Matteo Guidicelli, Crown Artist Management CEO na si Rambo Nuñez Ortega, journalist na si Karen Davila, at marami pang iba.

Matatandaang taong 2001 nang ikinasal sina Aga at Charlene sa Baguio City at biniyayaan ng dalawang anak sa kaparehong taon.

Related Chika:

Aga Muhlach pinaiyak ni Baron Geisler: Hayuuuf!

Liza nangako kay Enrique: To more adventures and growing old together, I love you so, so, so much!

Read more...