Kuwento ni Uge, naaalala pa rin niya ang tanong sa kanya ng premyadong aktor at stage director na si Tony Mabesa tungkol sa kanyang ilong.
Kahapon, sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda”, binalikan ng TV host-comedienne yung panahong ipinalalabas sa sinehan ang pelikulang “Emma Salazar Case.”
Nagkausap daw sila noon ng yumaong aktor na si Tony Mabesa, “We watched in the movie house. When we saw each other, sabi niya sa akin, ‘Ayaw mo bang magpa-nose lift?’”
Sagot naman daw ni Eugene sa tanong sa kanya ni Direk Tony, “‘Bakit sir?’” Ang sabi niya, ‘Napanood kita sa sine. Kailangan may ilong ka nang kaunti.'”
In fairness, hindi naman daw offensive ang pagkakasabi sa kanya ni Direk Tony at knows din niya na maganda ang intensyon nito at hindi nang-ookray o nanlalait.
Ngunit talagang hindi raw naisipan ni Eugene ang magparetoke ng ilong dahil masaya at kuntento na siya sa kanyang nose.
“Never ko siyang na-consider. He wanted me to be improving in that aspect, baka may iba siyang gusto for me. But later on, he realized this face is the face that showbiz needs,” chika pa ni Eugene.
Samantala, nabanggit din ni Uge na gustung-gusto niyang katrabaho ang mga youngstars ng GMA dahil sa positive energy na ibinibigay ng mga ito.
“I love them especially the young stars of GMA now, I work with them on All-Out Sundays, kaya gustung-gusto ko because I like their energy, I like their vibe and I look at them, and I see that they are really hoping to make it.
“Gusto ko ‘yung nakukuha ko ‘yung ganung energy, mas gusto ko ‘yun kaysa makasama ko ‘yung parang jaded na,” chika ng komedyana.
“The young stars are more intelligent, hindi sila makuntento na ito lang ang ginagawa nila, gusto nilang makita sa iba’t iba kasi stiff ang competition ‘di ba, they’re popular now and next week no more,” aniya pa.
Related Chika:
Kim tinupad ang isa sa ‘dream date’ ni Xian: Kahit mega init, laban lang!