4 na ‘dermal piercing’ ni Xyriel Manabat na-infect kaya nag-keloid; nagpa-tattoo ng ‘bike’ sa braso, ano kayang meaning?

Xyriel Manabat na-infect, nagkaroon ng keloid dahil sa ‘dermal piercings’

Ito’y matapos ngang magsugat at magka-keloid ang mga bahaging pinalagyan niya ng hikaw ilang taon na ngayon ang nakararaan.

Ayon kay Xyriel, apat na bahagi ng kanyang katawana ang pinalagyan niya ng hikaw at sa kasamaang-palad lahat daw ng mga ito ay nagkaroon ng infection.

“Mayroon po akong dermal or surface piercing, nag-keloid po siya kasi na-infect,” ang pag-amin ng dalaga sa panayam ng “Magandang Buhay” kahapon.


“Bale apat na dermal piercing. Iba’t ibang timeline pero lahat po infected,” pagpapatuloy pa niya.

Nang tanungin kung balak pa ba niyang ipagawa uli ang mga ito, “Wala na po akong balak. Mahirap po kapag matutulog.”

Last year unang ibinandera ng dating child star ang kanyang chest piercings sa pamamagitan ng ilang litrato na ipinost niya sa social media.

Ilan nga sa mga photos na ipinakita niya sa kanyang socmed followers ay naglalaman ng procedure kung paano ito ginawa.

Baka Bet Mo: Xyriel Manabat shookt nang unang makita ang cast ng ‘Dirty Linen’; hindi nangalawang sa pag-arte kahit nawala nang matagal

Samantala, ipinasilip din ni Xyriel sa guesting niya sa “Magandang Buhay” ang kanyang ear piercings at ang ipina-tattoo niyang bike sa kanyang braso.

“‘Yung tattoo ko po is isa lang, minimalist po siya, ‘yung front view po ng bike. For me, representation ng ups and downs.

“Hindi ba ‘yung pedal nasa taas, nasa baba. Nakuha ko ito one of my lowest. Maliit lang po siya pero I know na tatak po ‘yung meaning,” esplika ng dalaga.

Napapanood ngayon si Xyriel sa hit Kapamilya series na “Dirty Linen” na pinagbibidahan nina Janine Gutierrez, Zanjoe Marudo, Janice de Belen, John Arcilla at marami pang iba.

Xyriel Manabat sa mga malilisyosong netizens: ‘Binabastos po nila ako, sinasabi nila kamanyak-manyak daw…’

Xyriel Manabat shookt nang unang makita ang cast ng ‘Dirty Linen’; hindi nangalawang sa pag-arte kahit nawala nang matagal

Read more...