SHORT but super sweet ang mensahe ng Kapamilya actress na si Alexa Ilacad sa kanyang special person at ka-love team na si KD Estrada.
Ngayong araw, May 3 ay ipinagdiriwang ni KD ang kanyang 21st birthday at hindi nga papahuli ang aktres sa pagbati sa binata.
Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi ni Alexa ang mga larawan nila ni KD na kuha sa isang self-photo and concept studio.
“Hey you. Happy birthday! You will always have my love to rest in,” saad ng Kapamilya actress.
Sa kanyang Instagram stories ay makikitang magkasamang sinalubong nina Alexa at KD ang kaarawan ng huli.
“All of my best moments are the once I get to share with you. [white heart emoji] Happy birthday! I would give you the moon and the stars if I could,” sey ng dalaga.
Sa sumunod na IG story ay makikita naman ang picture nilang tatlo kasama ang aso ni KD.
“You must be the reward for every thing I did right in this life because I don’t know how I got so lucky to have someone like you caring for me,” dagdag pa ni Alexa.
Related Chika:
Alexa Ilacad, KD Estrada sa posibilidad na maging ‘dyowa’: The intent is there
Alexa Ilacad umamin na kay KD Estrada: I don’t fear the future anymore because I have you with me…