Zeinab Harake pak na pak ang b-day celeb para kay Bia, may pa-fire dance

HINDI rin papahuli ang social media influencer na si Zeinab Harake sa pagpapakitang gilas sa 2nd birthday celebration ng anak na si Bia.

Kamakailan lang ay nagkaroon ng intimate birthday party si Bia sa isang private beach sa Pangasinan.

Ibinahagi rin ni Zeinab ang nanyaring celebration sa kanyang latest YouTube vlog kung saan makikitang present ang halos lahat ng mga malalapit na tao sa kanilang mag-iina.

Summer ang birthday theme ni Bia at may mga performers at pa-fireworks rin para i-entertain ang mga bisita by the beach.

At gaya namg naging selebrasyon noon ni Bia, naghanda si Zeinab ng isang malupit na performance para sa anak.

“So, may hinanda akong surprise…gagawin ko naman ang pagpa-fire baton. Susubukan ko kung kaya ko pa. Susubukan kong ‘wag mapaso,” pagbabahagi ni Zeinab.

Dagdag pa niya, “Yung mga bisita, hindi nila alam na maggaganoon ako. It’s a surprise, everybody! This is mommy Zeinab, ang nag-iisang ina n’yong lahat!”

Baka Bet Mo: Zeinab Harake proud sa panganay na si Lucas, graduate bilang valedictorian

At sa paglabas nga ng social media influencer ay talagang napa-wow ang lahat lalo na nang magsimula ang performance nito.

Isa si Zeinab sa mga kilalang majorette noong kanyang kabataan na madalas nagpe-perform sa mga piyesta at iba pang mga okasyon sa Cavite.

Naging emosyonal rin ang hot momma sa kaarawan ng kanyang anak habang inaalala ang mga pinagdaanan noong nagdaang taon.

“Tapos na yung isang taon ng kalbaryo ko last year. Grabe na yung ganda ng buhay ko ngayon and ang saya saya ko. Gagawin kong worth it taon-taon para sa inyong lahat,” sey ni Zeinab sa mga anak.

Isa-isa ring nagbigay ng mga nirthday wishes ang mga kaibigan at kaanak ng vlogger sa kanyang anak.

Mensahe naman ni Zeinab sa kanyang little one, “Wala pa rin akong ibang iwi-wish kundi maging the best mommy mo at maging baby princess kita. Yung ang always kong ipagpe-pray.

“Yung relasyon as mag-nanay ‘yun ang ayokong mawawala sa atin. Yung closeness, yung lambingan. Kapag naiiyak ka si Mommy yung tatawagan mo hanggang paglaki mo… Proud na proud ako sa inyo ni Lucas.”

Pangako rin ni Zeinab na gagawin niya ang lahat para sa kanyang mga anak.

Related Chika:
Zeinab Harake inaatake ng postpartum depression: Iyak ako nang iyak, nai-stress ako…

Skusta Clee nakasama ang anak na si Bia sa kanyang birthday kaso…

Read more...