Anjo Yllana binigyan ng trabaho ni Jinggoy Estrada sa Senado; naging best friend na rin daw niya si Robin Padilla

Anjo Yllana binigyan ng trabaho ni Jinggoy Estrada sa Senado; naging best friend na raw niya si Robin Padilla

Robin Padilla, Anjo Yllana at Jinggoy Estrada

SA kawalan ng trabaho at karaketan sa mundo showbiz, humingi ng tulong si Anjo Yllana kay Sen. Jinggoy Estrada para kahit paano’y meron siyang pinagkakaabalahan.

Hindi naman siya nabigo at nagdalawang-salita sa kaibigang senador at nabigyan siya ng puwesto sa opisina nito sa Senado.

Habang wala siyang masyadong proyekto ngayon sa TV at pelikula at habang naghihintay sa ibibigay na next projects ng Viva Films, ay kailangan daw niyang maghanap ng ibang trabaho para matustusan ang pang-araw-araw niyang pangangailangan.


“Nag-apply ako kay Senator Jinggoy. Sabi ko, ‘Sen, wala akong trabaho, baka naman puwede.’ E, mga dalawang linggo, tinanggap na niya ako.

“Itong pagpasok ko sa Senado, talagang pangkain ko lang sa araw-araw. Kaya nga empleyado ako dun, pumapasok ako every day,” ang pagpapakatotoong pag-amin ni Anjo sa panayam ni Gorgy Rula sa DZRH last Subday, April 30.

Bukod sa pagkakaroon ng everyday work, isa pa sa ipinagpapasalamat ni Anjo sa opisina ni Sen. Jinggoy ay ang muli nilang pagkikita ni Sen. Robinhood Padilla.

Baka Bet Mo:

Sa mga hindi pa masyadong aware, nagkaroon ng matinding hidwaan sina Anjo at Robin matapos masangkot sa isang iskandalo noong 1993, kung saan nadamay pa ang kani-kanilang mga pamilya.

Dahil dito, napilitang lumipat ng tirahan sina Anjo sa Parañaque, “Magulo nu’n, e. Although, hindi naman kami magkaaway, may nangyari lang.

“Matagal na kaming naging maayos. Civil lang. Siyempre nagkasamaan ng loob, may mga baril-barilan pa nga nung araw,” pahayag ng utol ni Jomari Yllana.

“Ang alam ko lang nu’n, panghabambuhay na kaming ‘hi, hello’ na lang o dedma. Matindi kasi ang nangyari nun.


“Pero nu’ng nagkita kami sa Senado… sabi niya sa akin, ‘Tol, tumakbo ka nang senador.’ Sabi ko, ‘Hindi, pang-local lang ako, hindi ako pang-national.’ Sabi niya, ‘Hindi, mahal ka ng mga tao, tumakbo ka.’

“Natutuwa ako, kasi nakikita niya na kaya ko, malapit ako sa tao, pero local lang ako e,” pahayag ng komedyante at dating host ng “Eat Bulaga.”

Pagpapatuloy ni Anjo sa nasabing interview, “Ngayon mag-best friend na kami. Sobrang naramdaman ko yung pagmamahal ni Robin. Tuwang-tuwa ako kay Senator Robin Padilla, napakabait.

“Super-sweet ni Robin, ang talino, ang galing! Ang sipag pa niya. Everytime na nakikita niya ako, malayo pa lang, ‘Tol, tol!’ Tatawagin niya ako niyan.

“Dadalhin niya ako sa kuwarto, tapos nagkukuwentuhan kami ng nakaraan,” ang chika pa ni Anjo tungkol sa friendship nila ngayon ni Sen. Robin Padilla.

Jake lalaban para kay VP Leni; Jinggoy game pa rin sa showbiz at public service

Jinggoy Estrada kumambiyo sa pagpapa-ban sa K-drama: Huwag naman nating balewalain ang likha ng mga kapwa nating Pilipino

Read more...