Ellen nakilala na ang rumored dyowa ni John Lloyd, wish niya sa ex-BF: ‘Sana naman happy and harmonious din ang relationship nila’

Ellen nakilala na ang rumored dyowa ni John Lloyd, wish niya sa ex-BF: 'Sana naman happy and harmonious din ang relationship nila'

John Lloyd Cruz at Ellen Adarna

NAKILALA at nakita na nang personal ng dating sexy actress na si Ellen Adarna ang rumored girlfriend ni John Lloyd Cruz na si Isabel Santos.

Game na game na sinagot ni Ellen ang ilang personal questions ng entertainment media, kabilang na nga riyan ang tungkol sa co-parenting agreement nila ni John Lloyd sa anak nilang si Elias at sa bago nitong karelasyon.

Masayang ibinalita ni Ellen na maayos na maayos na ang usapan nila ni Lloydie para sa pag-aalaga at pagpapalaki sa kanilang four-year-old son na si Elias Modesto Cruz.

At ilang beses na rin daw niyang na-meet ang sinasabing dyowa ngayon ni John Lloyd na si Isabel, na isang artist at apo ng yumaong painter, illustrator at cartoonist na si Mauro “Malang” Santos.


“Yes, just ‘hi, hello.’ Di ba, sinusundo ni John Lloyd si Elias? Pag sinusundo ni John Lloyd, then I’ll bring him to the car and then she was there. We say hi, hello. I acknowledge them,” ang kuwento ni Ellen sa inauguration ng Shinagawa Diagnostic And Preventive Care Center  na ginanap sa Ore Central Tower sa BGC, Taguig City, noong Miyerkules, April 26.

Baka Bet Mo: Paano nga ba nakilala ni Nadine Lustre ang French BF na si Christophe Bariou?

In fairness, wish ni Ellen na maging maganda ang relasyon nina John Lloyd at Isabel para na rin sa anak na si Elias, “Be happy for them? Yes, of course, kasi makikita yan ni Elias, e.

“Sana naman happy and harmonious din ang relationship nila kasi magiging standard yan na this is the loving family, loving couple or mother and father should be like,” aniya pa.

Tungkol naman sa maayos na co-parenting arrangement nila ng dating karelasyon, “Yeah, he has 12 days a month with him. I’m fair, I’m very fair.”


Natanong din si Ellen kung okay ba sa kanya ang blended family kung saan pwede nilang makasama ni Derek sina John Lloyd at Isabel sa mga special occasion sa buhay ni Elias.

“At this point, not yet. Wala pa namang events, let’s say di pa nag-i-school si Elias. Birthday? Hiwalay yung celebrations. But hopefully that day will come, yes, someday. In time,” ang diretsahang sagot ni Ellen.

Ngayong taon balak magka-baby nina  Ellen at Derek, “Yeah, this year, this year na. Well, sana girl para tapos na ang boxing, kasi we both have boy and we only want one na lang.

“I always wanted a girl, but whatever, basta healthy,” ani Ellen.

May isa ring anak na lalaki si Derek sa dati niyang asawang si Mary Christine Jolly, si Austin Ramsay.

John Lloyd dumalo sa isang Christmas party kasama ang rumored dyowa?

Bea Alonzo nagpaka-’fangirl’ kay Michael V: Nakilala ko na sa personal si Bitoy!

Read more...