Pag-aaral: Malacañang pang-15 sa ‘largest official residence’ sa buong mundo

Pag-aaral: Malacañang pang-15 sa ‘largest official residence’ sa buong mundo

PHOTO: Courtesy MoverDB.com

ANG mga tirahan ng “heads-of-state” o pinuno ng isang bansa ang ilan sa mga itinuturing isa sa pinakamayaman at pinakamalaking bahay sa buong mundo.

‘Yan ay sa kabila ng pagkakaiba nito sa disenyo at laki.

Pero alam niyo ba mga ka-bandera, natuklasan sa isang bagong pag-aaral na ang Malacañang Palace ay ang ika-15 sa listahan ng “largest official residence in the world.”

Ito ay base sa MoverDB.com na nagkolekta ng mga sukat ng mga tirahan ng heads-of-state mula sa mga nakalap na impormasyon.

Gamit lamang ang official websites, news articles at estimations na nanggaling sa Google Maps ay natukoy nila ang pagkakaiba-iba ng laki ng bawat bahay sa mga bansa.

“In order to track this wide disparity in values and floor space around the world, we charted the size of the official homes of the heads of almost 60 countries, as well as those of nearly every U.S. state governor,” say ng MoverDB.com sa isang pahayag.

Ayon sa kanilang pag-aaral, nangunguna ang China na may pinakamalaking bahay sa lahat na may sukat na 3,439,830 square meters.

Sumunod diyan ang Sweden na may 1,624,290 square meters.

Habang ang nasa ikatlong pwesto ay ang United Arab Emirates na may 1.5 million square meters.

At ang bumubuo sa Top 5 ay ang India at Japan na may 1.3 million square meters at 1.1 million square meters.

Samantala, ang Pilipinas ay nasa number 15 na may sukat na 160,000 square meters.

PHOTO: Courtesy MoverDB.com

Read more:

Chad Kinis sinorpresa ang binatang walang maayos na tirahan

Angeline Quinto rumampa nang nakapantulog sa New York Times Square, wapakels sa mga foreigners

Read more...