DOLE maglulunsad ng ‘job fair’ sa Labor Day, may alok na mahigit 73,000 na trabaho

DOLE maglulunsad ng ‘job fair’ sa Labor Day, may alok na mahigit 73,000 na trabaho

File photo/Philippine Daily Inquirer

BUKOD sa regular holiday at walang pasok ang pagdiriwang ng Labor Day ay magkakaroon din ng “job fair” ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa buong bansa.

Ayon sa DOLE, may kabuuan na 73,779 na trabaho ang kanilang iaalok sa darating na May 1.

“Among the top industries are BPO [Business Process Outsourcing], manufacturing, financial and insurance activities, manpower services, and sales and marketing,” sey sa pahayag ng ahensya.

Dagdag pa, “The top vacancies are for customer service representatives, production workers/operators, financial consultants, service crew, and sales agents or sales clerks.”

Sinabi din ng Labor Department na posibleng lalo pang dumami ang employment vacancies sa mga susunod na araw.

“The number of vacancies is expected to increase in the succeeding days,” sey ng DOLE.

Ang mga interesadong mag-apply at balak dumalo sa job fair ay kailangang magdala ng resume, certificate of employment, diploma, at transcript of records.

Baka Bet Mo: DepEd pinapayagan ang mga eskwelahan na magsuspinde ng klase dahil sa init

Ang job fair ay magaganap sa April 30 sa SMX Convention Center sa SM Mall of Asia Complex sa Pasay City.

Samantala, narito naman ang listahan ng iba pang job fair sa iba’t-ibang lugar:

Luzon

Visayas

Mindanao

 

Bukod diyan ay may job fair din sa darating na May 3 at May 5.

 

Read more: 

Yam Laranas pinatunayang astig pa ring gumawa ng horror movies: ‘Sana mapanood ng mga madre at pari ang Rooftop’

Read more...