MAGBABALIK big screen ang action-thriller movie na “Transformers” ngayong taon!
Ang bagong kabanata ay pinamagatang “Transformers: Rise of the Beasts.”
Bida pa rin ang lider ng “Autobots” na si Optimus Prime, ngunit ang exciting part sa pelikula ay ang mga bagong kakampi nito laban sa mga kontrabidang “Decepticons.”
Ipinakilala sa bagong trailer ang tinatawag na “Maximals,” isang uri pa rin ng transformers, pero sila ay anyo ng mga hayop.
Para sa kaalaman ng mga manonood, Ang Maximals ay ang ancestors at descendants ng mga Autobots na ilang daang taon nang nakikipaglaban sa Decepticons.
Mababasa sa mga komento ng inilabas na pasilip ang pagkasabik ng ilang fans at moviegoers sa bagong pelikula:
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“I am beyond excited, and I’m genuinely looking forward to see how this’ll turn out.”
“This looks pretty darn cool. I’m glad where this movie seems to be going.”
“Yes, finally. That’s what I’m talking about. Transformers are back, baby!”
Tampok sa bagong pelikula sina Anthony Ramos, Dominique Fishback, Tobe Nwigwe, Peter Cullen, Ron Perlman, Peter Dinklage, Michelle Yeoh, Liza Koshy, John DiMaggio, David Sobolov, Michaela Jae Rodriguez, Pete Davidson, Cristo Fernández, at marami pang iba.
Ang “Transformers: Rise of the Beasts” ang ika-pitong installment ng nasabing franchise at mapapanood ‘yan sa mga lokal na sinehan sa darating na June 7.
Matatandaang taong 2018 pa nang huling ipinalabas ang Transformers movie na may titulong “Bumblebee” na kung saan ay unang ipinakilala ang tinatawag nilang Maximals, Predacons, at Terrorcons.
Related Chika:
Denzel Washington muling bibida sa iconic film makalipas ang 5 taon