Kilalang producer naimbyerna sa pagtanggi ng beteranang aktres sa magaling na aktor, namili ng ibang kasama?

Kilalang producer naimbyerna sa pagtanggi ng beteranang aktres sa magaling na aktor, namili ng ibang kasama?

NA-TURN off to the max ang producer na kilala sa paggawa ng mga pelikulang humahakot ng awards sa beteranang aktres dahil tinanggihan niyang makasama ang magaling na aktor.

Ang magaling na aktor ay kaliwa’t kanan na ang awards samantalang ang beteranang aktres ay iilan palang kaya na-turn off ang producer dahil tumanggi ito at namili pa kung sino ang gusto nitong makasama.

Ipinaliwanag ng buong production na hindi puwede ang binanggit nitong aktor na gusto niyang makasama dahil may nauna na itong commitment at kilala ring hindi naglalagare dahil gusto nitong mag-concentrate.

May time frame ang project na gagawin sana ng beteranang aktres at magaling na aktor pero walang pakialam ang una basta’t sinabi niya ay iyon na raw ang final, take it or leave it.

Naloka ang producer dahil sa tinagal-tagal niya sa pagpo-produce ng award winning movies ay ngayon lang siya naka-encounter ng ganito kaya sa pagka-irita ay miniting niya ang production team at i-let go o palitan na lang ang beteranang aktres dahil baka raw magka-problema pa kapag nagsimula na ang shooting.

“Nagpakita na kaagad ng attitude ang lola mo ha, ha, ha, ha, napaka-generous pa naman ni (producer), kapag nagustuhan ka, ka-join ka sa lahat ng projects niya,” say ng executive ng production team.

Baka Bet Mo: Aktor ‘hinimas-himas’ ang kilalang producer kaya nagsunud-sunod ang proyekto

* * *

Sing-init na ng panahon ang mga kaganapan sa “The Iron Heart” matapos nilang makapagtala ngpanibagongall-time high live concurrent views na 286,140noong Huwebes (Abril 20).

Ayon kay Sue Ramirez, “Sa init ng pagtanggap ng tao sa serye, hindi kami nahihirapan magtrabaho. Very grateful kami sa lahat ng sumusuporta sa amin.”

Gayundin ang mensahe ni Pepe Herrera na gumaganap bilang Poseidon, isa sa Apollo 5 sa serye. “Very proud kasi maganda yung reception ng tao. Kapag maganda yung reception nila ibig sabihin maganda yung nagagawa namin at nakakarelate sila. Motivated tuloy kami na mas pagandahin pa ang serye, ” sey niya.

Samantala, nabisto na ni Priam (Albert Martinez) na si Apollo (Richard Gutierrez) ang tiktik matapos itong umalis sa charity ball nang malamang nasa kamay ni Janus (Baron Geisler) ang kanyang pamilya.

Abangan kung masasalba ni Apollo ang kanyang pamilya at kung ano ang plano niya ngayong pinaghahanap na siya ni Priam. Alamin din ang mga susunod na balak nina Venus, Juno (Meryll Soriano), Poseidon, at Eros (Jake Cuenca) ngayong nabunyag na ang totoong katauhan ni Apollo.

Subaybayan ang “The Iron Heart,” 8:45PM sa A2Z, Kapamilya Channel, TV5, Kapamilya Online Live on Facebook and YouTube, Jeepney TV, and TFC IPTV.

Related Chika:
Kyle Echarri, Maja Salvador, Richard Gutierrez puring-puri sa pag-arte sa ‘The Iron Heart’

Richard Gutierrez muling patutunayan ang pagiging action hero sa ‘Iron Heart’: Malayo ito sa naging role ko sa ‘Probinsyano’

Read more...