Kira Balinger tumaas ang respeto sa mga waitress matapos ang ‘immersion’: Deserve po nila!

Kira Balinger tumaas ang respeto sa mga waitress matapos ang 'immersion': Deserve po nila!

LOOKING forward na sina Kira Balinger at LA Santos sa nalalapit na pag-alis nila patungong Toronto, Canada para sa dalawang linggong shooting ng launching movie nilang “Maple Leaf Dreams” na ididirek ni Benedict Mique for Lonewolf Films.

Nag-apply ng student visa ang karakter ng dalawa at para matustusan ang pag-aaral nila ay kailangan nilang magtrabaho roon.

At para hindi manibago sa trabaho ay nag-immerse muna sina Kira na gaganap bilang Molly at LA as Macky dito sa bansa ng isang linggo at inaming nahirapan sila.

“Sobrang experience talaga na madadala ko sa career ko kaya sobrang grateful kami ni LA kay Direk Bene (Benedict) dahilbinigyan niya kami ng ganitong opportunity na mag-immerse kasi hindi pala (masyado) uso dito ang immersion.

“Kasi (uso) pupunta ka sa set (to act) tapos babayaran ka, dapat kung ano ang role mo like chef, dapat galingan mong magluto lalo na kung nasa kusina ka, hindi puwede ‘yung ganito lang (chop-chop ng ingredients),” kwento ni Kira.

Nakapag immerse raw ang dalaga sa isang warehouse, grocery at waitress sa restaurant.

“Nasubukan ko po kung paano mag-inventory, mag load (produkto) mahirap talaga sa office, lalo nap ag nagkamali ka ng input sa computer, uulitin mo lahat. Bilib po ako sa patience nila kasi tinuturuan nila ako to input sa system, e, hindi po ako techie kaya nahirapan ako. Then sa tape, do’n makikita ‘yung income nap ag may isang number na mali, ulit ka talaga.

“Bukod po sa office, nag immersion din ako sa restaurant sa kusina, hindi po ako nag-waitress kasi ‘yun ang role ni LA. Nandoon ako para mag-chop-chop para masanay din, maghalo. Grabe, ang hirap (restaurant) kasi tuluy-tuloy ang trabaho, so mate-test ‘yung liksi na nakaya ko naman po, may konting tapilok,” natatawang kuwento ni Kira.

At inamin niyang tumaas ang respeto sa mga nagta-trabaho sa restaurants lalo na sa mga waiter/waitresses lalo na kapag sobrang pagod na sila.

Lahad ni Kira, “’Yung respeto kop o biglang gumanun (sabay turong pataas). Nag-cashier din ako at kumuha ng orders, grabe ang susungit ng mga tao, tapos pag nagkamali ng (kuha) ng orders (nagagalit ang customers).

“Pag ikaw ‘yung nasa likod ng counter at nasungitan ka at kapag sinabi mong ‘thank you or have a nice day’ wala dedma sila (sama ng loob),” paglalarawan ng aktres sa mga nararamdaman ng staff sa restaurant.

Baka Bet Mo: Kira Balinger dinenay na siya ang third party sa hiwalayang Kelvin Miranda at Roselle Vytiaco: ‘Hindi ako kabit!’

Balik-tanong namin sa dalaga kung may experience ba siyang nanungit o nagalit sa mga waiter o waitresses.

“No, never naman intentionally! So, sa mga napakitaan ko, if ever sorry po. Inisip ko nga, ‘did I ever do that?’ Siyempre tao lang din, there are times na stress at galing sa trabaho, the smallest thing, pipitik ka (talaga) unfortunately. That’s why I’m really, really trying my best to be respectful kasi tao lang din sila (restaurant staff),” pahayag ni Kira.

Dagag pa niya, “Kaming mga artista is just a job, so, sino rin kami para magsungit din sa mga taong tulad nila (waiters/waitresses), so, as much as possible, I’m trying to be respectful and deserve po nila.”

Aminadong challenge kay Kira ang pagta-trabaho sa Canada dahil sobrang lamig daw doon ngayon.

“Bukod sa lamig ay time pressure kasi diyan po talaga ako natataranta, ako po kasi I like to take my time, hindi naman makupad pero kasi these things take time para mag-immerse talaga sa character ko. So, pag pressure talaga, nakakataranta,” pagtatapat ng aktres.

First time ni Kira pumunta ng Canada kaya sana makapag side trip sila after ng shoot at gusto rin niyang isama ang mommy niya kaso hindi nito kakayanin ang lamig at tagal ng biyahe sa eroplano.

“It’s a very, very long flight po, e, naawa ako sa mommy ko lalo na ‘yung lamig kaya stay na lang po siya rito,” sambit ni Kira.

Samantala, nagpapasalamat din si Kira dahil pawang beterano tulad nina Joey ‘Tsong’ Marquez, Snooky Serna, Jong Cuenco, Malou Crisologo, at FDCP Chairperson Tirso Cruz lll. Kasama rin sina Luke Alford, Hannah Vito, Kanisha Santos, at Jef Gaitan.

Ang Maple Leaf Dreams ay sinulat ni Hannah Rhoce Cruz at produced ng Lonewolf Films at JRB Creatives.

Related Chika:
Kira Balinger nilayasan ang toxic BF; may ‘bad memory’ sa isinuot na swimsuit

LA Santos hindi susukuan ang pangarap na ‘big break’ sa pag-aartista, unang sahod sa Star Music idinonate sa foundation

Read more...